Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Father refusing to support his children

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1support - Father refusing to support his children Empty Father refusing to support his children Tue Nov 17, 2015 9:32 pm

rmregaspi


Arresto Menor

Legally married with 4 children po ang ate ko sa asawa nya. Nakatira po ang ate ko at mga bata sa father-in-law pero yung asawa ng ate ko ay nakahiwalay kasi magkaaway po sila noon pa dahil broken family po sila. Noon, nadalaw-dalaw pa ang ama ng mga bata at nagbibigay kahit Php100. Ang ate ko po ay naglalabada at nagmamassage. Kahit Php100 lang ang binibigay ng ama ng mga bata, kahit papaano makakatulong pa din sa gastusin ngunit 5 months na pong hindi nagbibigay ang lalaki at kung saan-saang barangay nya nireport na ang ate ko ay inasawa ang byenan nya na kalaunan ay inamin nya na gawa-gawa lang nya dahil sa matinding galit dahil ayaw na ng ate ko tabihan ang asawa nya sa kadahilanang napakadami na nilang anak at di pa ligate ang ate ko at incapable din silang buhayin ang mga anak. Nagmitsa po ito ng matinding galit sa lalaki kaya siniraan nya maging sa mga teacher ng mga bata ang ate ko. Galit po ang mga taga barangay sa ate ko dahil kasuklam-suklam at nakakadiri nga naman po ang ibinibintang sa ate ko kahit hindi po ito totoo. On the other hand, hindi naman magawang palayasin ng father-in-law nya ang ate ko at mga bata dahil naaawa din sya. Ngunit kulang din ang kinikita nya sa pagttricycle dahil matanda na ito kung kaya't kailangan talaga ng suporta ng ama ng mga bata.

Ang problema po, ayaw nang pakinggan ang ate ko ng mga barangay, kampi sila sa lalaki. Ngayon may sakit ang isa nilang anak at di malaman kung saan hiingi ng tulong. Sana po bigyan nyo kami ng advise para maobliga po ang lalaki na suportahan ang mga anak nya.

Thank you!

marlo


Reclusion Perpetua

Maaring kulang nga ang inaabot na suporta ng ama para sa kanyang pamilya. Subalit siya ay munting tricycle driver na hindi naman kalakihan ang kita. 100 per day ba ang salaysay mo o 100 per month?

Ang suporta ng ama sa pamilya ay base sa kanyang kakayahang magbigay. Kung 100 per day, sa opinion ko ay humigit kumulang sagad at sapat na ito bilang trike driver ang tanging pinagkukunan ng kita.

Ano ang dahilan bakit mo nasabing "refusal of father" sa pagsupporta at nagbibigay naman ang ama base sa iyong salaysay.

rmregaspi


Arresto Menor

Ang tricycle driver po ay ang father in law. Once or twice a week po pumupunta sa baranggay ang ate ko para may witness sa pagsusustento. Php100 lang po ang inaabot nya. Minsan sa galit ng taga baranggay, dahil ayaw magbigay, kinakapkapan po sya. Masasabi kong refusal dahil ang mga bata po ay nagsasabi na kapag humihingi sila ng baon para sa afternoon class, hindi sila binibigyan. Minsan iniinggit pa sila ng ama nila sa pamamagitan ng pagpapakita na kumakain sya ng masasarap sa harap ng mga bata. Ang gusto po kasi nya sumama na ang mag-iina nya sa kanya pero minsan sinubukan ng ate ko na sumama at mga bata, sa loob ng apat na araw Php100 na naman ang inabot sa kanila to take note na 4 ang anak nila, 2 nag-aaral ng elementary at 2 na naggagatas.

rmregaspi


Arresto Menor

Sa katunayan, nakabili pa ng baril ang lalaki at nagbabanta na papatayin ang ate ko. Kung wala syang kinikita bakit nakakabili pa sya ng baril? Sa totoo lang po,nakakatakot na din magsumbong ng magsumbong sa baranggay dahil naririndi na sila sa away ng mag-asawa kaya para pong wala na silang ganang makinig lalo na sa ate ko dahil taga-kabilang baranggay ang ate ko. Kung baga yung kasunduan at complain sa baranggay kung saan nakatira yung lalaki ginaganap.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum