Good day po. 2005 po, noong ikinasal ako (civil), at same year ko din ipinanganak ang only child ko, I was 18 then. A year after, naghiwalay kami ng asawa ko dahil sa third party, at di po talaga kami nagkakaintindihan na.Simula noon, I accept the responsibility na buhayin ang anak namin and the thing I only knew way back then, ay nagsisimula pa lamang sya sa career nya. 1 yr 5 months pa lang ang anak ko ng iniwan ko sya sa parents ko at nagpunta ako ng Manila para maghanap buhay. Nag attempt ako makipag usap sa asawa ko asking for child support, at may mga ilang pagkakataon ( nabibilang lang po) din naman na nagpapadala sya through his sister. He's a licensed civil engineer. Last year po, I received an email from our RTC asking me to attend a hearing for annulment. Mali ko, I did not bother. Just yesterday, my sister in Leyte received a letter again from RTC stating daw a decision for the annulment. I understand, as I have read through forums, na cases such as can still push through kahit wala akong inaapela. Now the thing I'm worried about is the welfare of my son. Pede po ba ako maghabol ng child support? Nagpapadala lang sila ng 1,500 to 2,000 the most a month para sa anak ko. To add on that, kelangan pa po namin silang iremind, worse nag bebeg pa ang mga magulang ko for this monthly. My son is now 10 years old. I am the only person working sa family namin and at the same time making sure na kahit di man lahat ng needs ng anak ko ay ma meet pero kahit papano man lang. Ano po ang dapat kong gawin?