I'm currently employed sa dating Client ng previous employer ko. May Non-Complete Clause po akong napirmahan sa dating contract ko with them stating that I am not allowed to work in the same line of business. From my previous employer, I'm being neglected, yung work na binigay sa akin hindi pang BPO agent kundi pang Supervisor pero walang increase. Walang papers na ibinigay for promotion. But this client offers me good salary & position sa company nila. Pero ako po ang lumapit sa kanya para maging empleyado nila. Hindi sila lumapit sa akin para magtrabaho sa kanila. Kusa akong nagpunta sa kanila para makapagtrabaho. Ngayon naghahabol yung dati kong employer at nagfile sila ng case against me. Ang kasong ifiniel nila ay yung Non-Complete clause & Piracy. Nagsubmit po ako ng resignation pero hindi nila pinirmahan. Nagtungo ako sa previous employer ko para magpaexit interview at the same time exit clearance pero hanggang ngayon hinohold nila ang clearance ko pati ang yung mga documents ko para sa mga benifits. They already heard my side pero ganoon pa din ang ginawa nila.
Ano po ang gagawin ko? Should I seek help from DOLE or from attorney?
Thanks,
Jeffey