Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Ang sabi ng tatay ko"pwede naman raw siyang mangabit dahil may pera naman raw siya." Tama ba 'yon???

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Terenchii


Arresto Menor

I'm just 13 years old and I'm desperate to find answers to all my questions. Ilang taon na ring nangangabit si papa. Nalaman ko lang iyon nung 10 years old na'ko. Ang sabi niya sa amin ng kapatid ko friend lang daw niya iyon pero unti-unti kong nalaman na girlfriend niya pala iyon. Nang nalaman ko 'yon bigla akong nagwala dahil buhay pa ang mama ko. Umalis lang siya dahil sa kanyang mga problema pero may komunikasyon parin kami nag-uusap kami sa pamamagitan ng Skype at nagpapadala naman siya sa amin. Ang kapal pa talaga ng mukha ng babae dahil palagi pa siyang pumupunta siya sa bahay. Pero hindi lang iyon ang naging girfriend niya.

Nagtatrabaho si papa. Isa siyang seaman. Every month naman may sustento kami galing sa kanya. Nung umuwi na ulit siya, iba na naman ang dala niyang babae. Hindi nalang ako umiimik dahil ayoko nang magwala. Idinaan ko nalang yung galit ko sa pag-sesend ng message sa mga ito. Ang sabi ko "huwag niyo naman sirain ang buhay ng aming pamilya. Alam ko lang naman ang habol niyo sa aking ama eh...Pera... Hindi kayo nararapat sa mudong ito.." 'yan ang nasabi ko noon. Wala eh, pakapalan ng mukha raw eh... Hindi parin tumitigil.

Ngayon lalong lumalala, hindi ko namang iniintindi yung pambabae niya eh. Pero yung pangengwenta niya ng kanyang pera sa aking lola hindi ko matiis kaya nga kanina sinabi ko sa kanya " Hindi mo ba alam bakit na-stroke si lolo. Dahil yun sa'yo, Sa inyo ng kapatid mong mga babaero. Wala kaming sustento ngayon galing sa kanya dahil umalis siya sa kumpanya na kanyang pinagtatrabahuan. Kakauwi lang niya nung namatay ang aking lolo. Hindi ko lang maintindihan bakit hinahanap niya palagi yung mga pinadala niya. Sabi niya magastos raw kami. Eh, anong gagawin namin sa pera tititigan. Kanina nanghihingi lang yun lola ko ng pangbayad namin dun sa school service namin pero nagwala siya bigla..wahhhhh..... Hindi ko na talaga maintindihan. Ano ba ang dapat gawin ko? Hindi naman pwedeng pabayaan ko nalang. Kung pwede nga ipakulong ko nalang sila ng mga girlfriend niya.

Please I want answers. Ano ba ang dapat gawin ko? Gumawa ng aksyon o pabayaan nalang ang mga nangyayari?

assenav

assenav
Prision Mayor

Hi poh.. I feel so sad after i read your post..Di ko naiwasang isipin na minsan, kasalanan ng magulang bakit naliligaw ng landas ang mga anak..

First and foremost, di valid reason na porke me pera eh pwede na mangabit ang isang padre de pamilya.. Isipin naman sana ang maaaring idulot nito sa mga anak at ilang miyembro ng pamilya..
Secondly, bakit kinekwestyon ng dad mo yung binibigay niya na pera sa inyo eh anak naman kau? Di na niya dapat hanapin kase nga obligasyon naman niya yon.. At anak naman kayo...

Magastos daw kayo? Eh yung mga kabit niya kaya, nde magastos? Evil or Very Mad

Regarding sa problem mo, I guess, mas maganda kung kakausapin mo muna si dad mo ng kau lang.. Timing - an mo na malamig ulo niya at pati ikaw.. Explain mo sa kanya ang problema ng pamilya ninyo..Ang epekto ng ginagawa niya sayo at sa buong myembro ng family ninyo..

Kung walang epek sa tatay mo, better talk to your mom regarding this..
You're just 13 years old and yet,mabigat na ang pinagdadaanan mo..
Sa pagkaka alam ko kase, si mom mo ang dapat gumawa ng legal act reg sa issue..

Better search on net regarding RA9262.. Covered kase nun yung sa mom and children's rights..

Goodluck poh sana maayos na problem mo..

Terenchii


Arresto Menor

Thank you po.... Smile

assenav

assenav
Prision Mayor

YOU ARE VERY MUCH WELCOME POH... Very Happy

222

jd888


moderator

@Terenchii

this broke my heart.

http://www.chanrobles.com/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum