Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Loan with Land Title as Collateral

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Loan with Land Title as Collateral Empty Loan with Land Title as Collateral Sun Jan 13, 2013 12:09 am

myslade


Arresto Menor

Good day Atty. May utang po ang Father ko sa isang kakilala amounting to P60,000, ginawa po nya Collateral yung Land Title ng bahay namin, every now and then whenever makaka ani po ng maganda ang sakahan namin nagbibigay po kami sa kanila ng hulog pero wala po kami record. All in all bayad na po ang capital na P60k pero tumutubo po kasi ang utang namin kaya aware po kami na may utang pa po kami na dapat bayaran, last year po, May 2012 nakipag usap po kami sa inutangan namin, as per Her computation umabot na po ng P450,000 ang utang namin pero willing cya na bawasan and make it P150,000 payable for 1 year. Few months ago po Atty.pumunta cya sa bahay namin para kumuha ng partial payment for the 150K. Nakiusap po ulit ang Father ko kung pwede bawasan pa gawin 100k na lang kasi di nmin tlga kaya kung lalagpas pa dun, pumayag po cya kung maibibigay by January ng buo, pero verbal lang usapan, this Jan.po ready na kami magbayad,pero ng maka-usap po namin cya ulit She insisted ulit for 150k. Since dpo namin tlga kaya bayaran to that amount sinabi na po ng Father ko na idemanda na lang po cia.
Panu po ang laban namin Atty.? at may mga katanungan din po ako.

1) Pwede po ba nila makuha ang lupa namin since nka collateral ito at nasa kanila ang Title?
2) Kung idadaan po sa Court ang usapan maaari po kaya kaming panigan ng korte sa halagang kaya lang namin bayaran? (P100,000)
3)Kailangan pa po ba namin kumuha ng Lawyer?


Maraming salamat po, malaking tulong po ang ibabahagi nyong sagot.

2Loan with Land Title as Collateral Empty Re: Loan with Land Title as Collateral Sun Jan 13, 2013 12:28 am

adel.villafuerte


Arresto Mayor

Meron bang Kontrata ng utangan nyo?

Kung may kontrata nababanggit ba yong titulo ng lupa as collateral o basta nyo lang iniwan?

Pag mataas ang porsiento mas mabuti kasuhan ka n lng and the court will decide to pay the amount in accordance with the prescribed interest(Central Bank Law)

Bombay ata yan nautangan nyo....

3Loan with Land Title as Collateral Empty Re: Loan with Land Title as Collateral Sun Jan 13, 2013 12:45 am

adel.villafuerte


Arresto Mayor

Alam nyo ba na ang titulo ng lupa na ginamit na collateral sa pagkakautang o isinanla ay hindi basta-basta maililipat sa pangalan ng pinagsanglaan o pinagkakautangan maliban na ang taong pinagkakautangan o pinagsanlaan ay mag file ng PETITION sa korte ng tinatawag na PETITION FOR CONSOLIDATION OF OWNERSHIP kung foreclosed. Pag nangyayari yon, the court will summon you, susulatan ka ng korte para sagutin ang allegasyon ng Petitioner. At pag napatunayan sa Husgado na may utang ka at wala kang maibayad, the court will render judgment ORDERING you to execute Deed of Conveyance or a public auction, maliban na ang collateral na nabanggit ay HOUSE AND LOT or FAMILY HOME dahil yan ay exempted sa EXECUTION. Meaning, hindi pwede imbarguhin o isubasta ng korte para ipambayad.

Sakali na yong palayan ang ma forfeit, within a period 5 years from transfer in their name, you have the right to repurchase, so you may file a PETITION FOR RECONVEYANCE in court. Bibilihin mo ulit sa kaniya. After 5 years at hindi mo nabili, wala na, expire na yong karapatan mo.



NOTE: Walang mangyayaring MAGIC na paglilipat ng titulo, maliban kung pipilitin kayong pumerma sa isang dokumento ng Bilihan ng lupa.

4Loan with Land Title as Collateral Empty Re: Loan with Land Title as Collateral Sun Jan 13, 2013 12:24 pm

myslade


Arresto Menor

adel.villafuerte wrote:Meron bang Kontrata ng utangan nyo?

Kung may kontrata nababanggit ba yong titulo ng lupa as collateral o basta nyo lang iniwan?

Pag mataas ang porsiento mas mabuti kasuhan ka n lng and the court will decide to pay the amount in accordance with the prescribed interest(Central Bank Law)

Bombay ata yan nautangan nyo....

Opo, may kontrata po napirmahan na collateral ang lupa. If you may enlightened me Atty. magkano po ang prescribed interest accdg.to Central Bank Law? Thank you po.

5Loan with Land Title as Collateral Empty Re: Loan with Land Title as Collateral Sun Jan 13, 2013 3:30 pm

adel.villafuerte


Arresto Mayor

Not more than 28% per annum or 2.5% per month.

Sabi ng Batas, CONTRACT is enforceable. Subalit kapag ang kontrata is against public policy, ito ay voidable o pweding pawawalan ng bisa.

So, let the court decide kung tama ba na magbayad ka ng gabundok na interest. Pa review mo sa PAO ang kontrata.

Reminder: Any person may avail the services of PAO lawyers provided he/she belongs to an indigent family whose income is Php 14k and below for MM, Php 13k and below for other cities and Php 12k and below for other places (Republic
Act 9406). Actions involving real property DOES NOT AUTOMATICALLY EXEMPTS TO AVAIL RA 9406). The law states the income not real property.

6Loan with Land Title as Collateral Empty Re: Loan with Land Title as Collateral Mon Jul 21, 2014 11:47 am

rosegatchalian


Arresto Menor

Good day po Atty., halos same din po ang sitwasyon ng mother ko with mslade. 20 years ago po e sinanla ng mother ko yung title ng lupa't bahay namin na nakapangalan sa lola ko sa halagang 35,000 pesos. Iniwan po nya yung titulo sa taong pinagsanlaan nya at pumirma po sya sa kapirasong papel lang na nagsasaad na umutang sya ng 35000 pesos at walang nakasaad na interest sa papel.last year po e kinausap po namin yung pinagsanlaan na tutubusin napo namin yung titulo.Ang gusto po nya e tubusin namin ito sa halagang P120,000.00. Hindi po namin kinaya yung halagang gusto nya kaya hindi pa namin natubos yung titulo. Ngayon po ay kailangan namin ung titulo dahil gusto po namin ibenta yung bahay at lupa dahil nangangailangan po kami ng malaking halaga. Paano po kaya ang gagawin namin para makuha yung titulo sa pinagsanlaan ng mother ko na hindi P120,000 ang ibabayad namin? Salamat po

7Loan with Land Title as Collateral Empty utang sa taong gamit ang titulo ng lupa Wed Aug 06, 2014 1:29 pm

rosegatchalian


Arresto Menor

rosegatchalian wrote:Good day po Atty., halos same din po ang sitwasyon ng mother ko with mslade. 20 years ago po e sinanla ng mother ko yung title ng lupa't bahay namin na nakapangalan sa lola ko sa halagang 35,000 pesos. Iniwan po nya yung titulo sa taong pinagsanlaan nya at pumirma po sya sa kapirasong papel lang na nagsasaad na umutang sya ng 35000 pesos at walang nakasaad na interest sa papel.last year po e kinausap po namin yung pinagsanlaan na tutubusin napo namin yung titulo.Ang gusto po nya e tubusin namin ito sa halagang P120,000.00. Hindi po namin kinaya yung halagang gusto nya kaya hindi pa namin natubos yung titulo. Ngayon po ay kailangan namin ung titulo dahil gusto po namin ibenta yung bahay at lupa dahil nangangailangan po kami ng malaking halaga. Paano po kaya ang gagawin namin para makuha yung titulo sa pinagsanlaan ng mother ko na hindi P120,000 ang ibabayad namin? Salamat po

8Loan with Land Title as Collateral Empty Re: Loan with Land Title as Collateral Wed Aug 06, 2014 3:57 pm

attyesc

attyesc
Reclusion Temporal

kung ang halaga ng interest ay hindi nakasaad sa papel, ang legal interest na 6% per annum ang applicable. icompute mo, 6% ng 35,000 is 2,100 x 20 years. yun ang dapat nyong bayaran.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum