may isang empleyado kami, store in charge siya, nagkaroon sya ng emergency kase may naninigil sa kanya, kumuha sya ng pera sa kaha. May dumating na auditor sa store, pero dahil alam nya na malalaman na may short sya sa kaha inunahan na lang nya na magsabi ng totoo at nangako sya na ibabalik ang pera sa araw ng payday at nagawa naman nya. Dahil sa awa, pumayag ang auditor at hindi gumawa ng ano man hakbang. In short nalaman din naman sa opisina makalipas ang 2 buwan. mismo ang auditor na rin ang nagreport dahil malimit na short ang kaha at ang nagrereklamo na ay ang mga casual cashiers. Ang payo ng counsel, wag tanggalin kase isinoli naman daw ang pera, pero para sa akin dapat lang na tanggalin sya dahil may written admittance naman. please comment! thanks
Free Legal Advice Philippines