Yung asawa ko po kasi may lalake sa dubai. May anak na po kaming 5 years old. Iniwan kami ng tuluyan nung 3 years old pa lang. No communication between me and her.
Bali naka pagcreate ako ng dummy account sa FB, tas in-add nila pareho. So i have pics nila sa dubai na magkasama sila, umuwi sila sa pinas kasama kamag anak nung lalake, yung pics with lovers t-shirts, pics na hinahalikan sya sa cheek (with 1 extra friend sa picture, 3 sila sa pic), with status na married dun sa lalake. By the way, they change their name sa FB but i have a screenshots na sila may ari kasi picture nila nakalagay dun.
Malakas na kaso po ba yun laban sa misis ko. Gusto ko sana sila mapakulong sa Pilipinas once na umuwi sila. Pwede po ba ako magkaso sa pinas habang nasa dubai sila? Maraming Salamat po! God bless!