Good day po, ask lang po kung paano po malilipat sa pangalan ng mother ko yung lupang tinitirhan namin ngayon. Pag-aari po ito ng auntie ko at nakapangalan po sa kanya ang title pero nagbabayad po kami sa kanya para sa kalahati ng lupang tinitirhan namin. Natapos napo naming bayaran ang lupa nang nalaman naming isinangla pala nila ang titulo. Late napo namin nalaman at malapit na palang marimata. Para ma save ang bahay namin at ang lupang nabayaran na namin sa kanya, tinubos ng nanay ko ang pagkakasangla sa bangko. Ngayon po ay hawak na namin ang titulo ng lupa at kami ang nagbabayad ng taxes. May karapatan na po ba kami sa lupa kahit di pa po nailipat sa pangalan ng mother ko at kung sakali po ano po ba ang dokumento na hawak namin patunay na pag aari napo namin ang lupang yun. Umaasa po sa inyong tugon. Maraming salamat po.
Free Legal Advice Philippines