Please po I badly need advise,Nagwo work po ako s middle East at andito po ako s pinas ngayon at balak ko na pong hindi bumalik kasi po niyaya na ako ng bf ko n magpakasal at ayaw na po nya akong pabalikin sa middle east.Meron po akong nahiram na pera sa tao 5/6 po bale 2 po silang nahiraman ko 1 is pilipina at the other 1 is ibang lahi may co-borrower po ako sa mga nahiraman ko,may pinirmahan po ako sa kanila bale pinalabas nila hindi cash ang kinuha ko sa kanila ung ibang lahi po alahas po ang pinalabas nya at ung s pilipina some selling items like cloth.Atty kung tutuusin po bayad na po ako doon s pilipina sobra sobara na po ang nakuha nya sa akin,hindi ko po binalak na hwag na bumalik kaya lang po tumatanda narin po ako at gusto ko ng magkapamilya.Atty,wala po ako e-ssue na check,ito po ang tanong ko s inyo:
1)Pwede po ba nila akong kasuhan or makulong dahil sa pagkakautang ko sa ibang bansa?at kung pwede po ano pong kaso ang pwede nilang isampa?
2)Pwede po ba nila akong e travel ban para hindi na makalabas ng bansa?
3)Atty,wala po akong property ngayon na single ako pero po after married balak po ng fiance ko na bumili ng house and lot,pwede po ba nila itong habulin kung sa akin po nakapangalan ang property na bibilhin nya after our married?
Please Atty,I need your advise ano po ang dapat kong gawin,hindi ko naman sinasabi na gusto kong takbuhan ang utang ko pero po sa ngayon gusto ko na pong magkapamilya,at wala po akong maibabayad sa kanila sa ngayon,please i need legal advise.
Thank you po!