Dati akong nagtatrabaho sa middle east. At dahil sa krisis napilitan akong umuwi ng pinas dahil 5 buwan nahuhuli ang aming sahod. Umalis ako ng Middle east na hindi tapos ang bayarin ko sa banko. 3 taon na po ang nakararaan at ngayon ay tumatawag nanaman ulit ang bangko sa akin at ngayon ay nagpadala pa sila ng email sa akin na galing sa law office kakasuhan nila ako at maaring makulong ako dahil sa hindi pagbabayad. Maari din daw nilang kuhanin ang properties ko (kung meron man).
1.Tanong po makakasuhan po ba ako ng civilly/criminally? (iyon po ang nakalagay sa sulat)
2. Makukulong po ba ako? sa pinas o sa ibang bansa?
3. Sobrang pananakot sa pamilya ko at mga kaibigan ko. May laban po ba ako? sobrang pang haharass na kasi.
Wala pa akong permanenteng trabaho dito sa pinas at di rin sapat ang kita ko kung idadagdag pa ang bayarin ko sa kanila.
Tulong naman po.