Good pm po, ask lang po ako ng advice. may nahiraman po kami ng pera 100k na tao, hindi po lending company. May interest na 7 percent a month. naka collateral po ang isang pinto ng paupahan namin sa kanya. noong una po, monthly nakakabayad kami ng maayos. pero nagkasunod-sunod po ang problema namin dahil nagkasakit at namatay po ang tatay ko. hindi na po kami regular na nakapagbayad. hanggang sa naibenta na namin ang bahay dahil sa dami ng aming naging obligasyon lalo na po ang gastos sa ospital, nakapagbigay din po kami doon sa taong aming nahiraman pero hindi po namin buo nabayaran. Ang nanay at tatay ko po ang nakapirma sa kontrata na 1 taon at renewable, pero hindi na po ito na-renew. 87K na po ang naibayad namin noong mag-usap kami sa barangay pero 280k po ang hinihingi sa amin dahil kulang pa daw po iyon sa interest. 2 years na po kami naghuhulog pero hindi po natatapos. lalo po kami ginigipit. Ayaw po pumayag nung nagpautang na bawasan ang halaga, habang hindi daw po naibabalik ang buong pera, tuloy pa rin daw po ang interest nya. Idedemanda daw po nya kami. matanda na po ang nanay ko, at kapos po kami sa budget. Ano po ba ang karapatan namin bilang umutang sa ganitong sitwasyon. ano po ang dapat namin gawin?
Thank you po and more power!