Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Utang na may mataas na tubo

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Utang na may mataas na tubo Empty Utang na may mataas na tubo Thu Jul 26, 2018 9:26 am

Nikki A


Arresto Menor

Good day po. Hingi lng po ako ng tulong kasi di ko na po alam ang aking gagawin. Isa po akong govt employee at ang asawa ko ay may negosyo pero sa kasamaang palad hindi ito naging successful at nabaon kmi sa utang. Isa po sa mga utang namin ay may 20% per month na tubo. Sa una ay nakakapagbayad naman kmi pero dumating ang time na di na tlaga kayang magbayad. Ang nangyari po ay pinatong ung interest sa principal amount at un ang tinubuan naman ng 20%. Umabot na po ito sa 428k. Maliban po dun, hanggang di namin sya nababayaran, tutubo kami sa kanya ng 42k per month which is 10% ng 428k. Pinapirma nya po ako ng kasulatan. Sa takot ko po at para mabawasan na rin ang panggigipit niya, nag agree nlng ako. Pinapabayaran sa amin ung monthly interest then after 6 months kelangan mabayaran na ung 428k. Ano po ba ang dapat kong gawin since walang wala na po tlaga kaming pambayad? Hindi naman po sya madaan sa pakiusap na kung maaari bigyan pa kami ng sapt na panahon o kaya ay babaan kahit konti ung interest..Maaari ba nya akong sampahan ng kaso? Nagbanta po siya na papaabutin nya sa social media at sa opisina kung saan ako nagtatrabaho.. Sana po matulungan nyo kami.. TIA!

2Utang na may mataas na tubo Empty Re: Utang na may mataas na tubo Thu Jul 26, 2018 3:11 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

kung wala na kayong pambayad, diretsahin nyo na sya na magsampa na lang kamo sya ng kaso against sa inyo para din ang korte ang magdecide kung anong reasonable na interest ang kailangan nyo bayaran.

hindi ka nya pwedeng siraan sa trabaho at sa social media kasi sya naman ang magiging liable na kasuhan mo.

3Utang na may mataas na tubo Empty Re: Utang na may mataas na tubo Thu Jul 26, 2018 5:54 pm

Nikki A


Arresto Menor

Maraming salamat po sa pagtugon.. kung sakali makarating po sa korte, posible po bang maibaba ang interest? Matatanggal din po ba ako sa trabaho as a govt employee? Salamat

4Utang na may mataas na tubo Empty Re: Utang na may mataas na tubo Thu Jul 26, 2018 7:15 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

yes possible since mas reasonable ang korte sa pagdecide ng makatarungan na interest. I don't think this can be used against you to remove you from your job.

5Utang na may mataas na tubo Empty Re: Utang na may mataas na tubo Fri Jul 27, 2018 4:35 am

arnoldventura


Reclusion Perpetua

Kahit sa civli service, hindi naman grounds for disciplinary action ang hindi ka makabayad ng utang. https://www.alburovillanueva.com/discipline-public-officials Though hindi naman ibig sabihin nito ay pwede mo nang hindi bayaran ang utang mo. Yes, the court may lower the interest rate, so if ever man na magsampa ng case ang creditor mo, that's something you can do (request the court for reduction of interest).

6Utang na may mataas na tubo Empty Re: Utang na may mataas na tubo Fri Jul 27, 2018 8:34 am

Nikki A


Arresto Menor

Maraming salamat po mga atty.. nalinawan na po ako.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum