Hihingi lang po ako ng payo tungkol sa aking kaso.
Taong 2014 hanggang 2016 po ay may tinulungan akong pamangkin sa pinsan na makapunta sa ibang bansa. Sa amin po sya tumira dito sa ibang bansa. Usapan po namin nuon na ako muna ang gagastos ng mga kailangan nya para makapagsimula sya dito, Pamasahe sa eroplano, pag-aaral nya at kung anumang kailangan nya.
Sa madaling salita umabot sa 600k ang utang nya, usapan namin pagnagsimula na syang magkatrabaho magbabayad na sya ng paunti unti.
Nakabayad naman sya ng 3 beses halagang 40K, pagkatapos nun ay umalis sya sa aming bahay at sumama sa boyfriend nya,. Makalipas ang 10 araw na pag alis nya, pumunta sya sa pulis at nagsumbong na ninakawan namin sya ng 40k, mula nuon hindi na sya nakipag usap sa amin, blinock na nya kami sa lahat ng social media at kahit magkita man kami di na sya namamansin.
Matapos ang isang taon ngayong 2018, nang magkaharap kami sa korte, inamin nya namang lahat na gawa gawa nya lang mga paratang at nadismiss ang kaso.
Ang tanong ko po, ito po ba ay sapat na dahilan ng panloloko at pwede ko ba syang kasuhan ng estafa, tatanggapin kaya ng korte ang pinagagawa nyang panloloko sa amin dito sa ibang bansa?
Kahit natapos ang kaso, hindi na rin sya nakakakilala at namamansin.