Nakautang po ang friend ko sa isang person na nag nenegosyo ng pautang sa palengke, wala pong contract bout sa mga nakuhang pera bale sa notebook lang nakapirma na na receive ang certain amount, marami din pong natulungan ang friend ko na makautang sa kanya kaso sa kasamaang palad lumayas na ang iba sa mga ito...nakiusap ang friend ko kung pwedeng ireconstruct ang utang kasi may mga delays na nga sa pagbabayad kaso di pumayag ang creditor; nag iwan na rin ng makina o sewing machine ang friend ko dahil nahiya na nga siya na di na siya nakakahulog;ngayon ang creditor eh nagbabanta na na pupunta sa workplace ng friend ko para sabihin sa mga superiors nya ang nangyari...bale ang total daw po ng utang according sa creditor ay 165,000.00 kasama na ang interes o tubo...kasali pa ba ito sa small claims court? kasama ba sa pag compute ang interest sa sinasaad ng small claims court na less than 100k? wala naman pong intensyon na lumayas ang kaibigan ko, kaso ang request nya ay ang pagbabayad ng pa unti unti sa utang na di sya ang lubos na nakinabang, ano po kaya ang dapat nya gawin or may dapat bang ika worry na makukulong siya sa utang na to?...please help po...and thank you
Free Legal Advice Philippines