may utang po ako sa chinatrust ng Php47,000 ang principal payable in 3 years. dahil sa kahirapan po at katangan at sa kagipitan di ko na binayaran ang utang po hangang umabot sa 103,000 including interest po.
nag final demand na sila sa akin binigyan lang nila ako ng 5 days to settle the utang.
wala naman po ako ganun ka laking pera, willing po ako mag baya sa bank at least 5k lang po kahit monthly.
takot po akong makulong.
papayag ba ang chinatrust na i will just pay 50% sa utang ko?
ano po dapat kung gawin?
makukulong po ba ako agad-agad?
may piyanza ba?
super worried na po ako.
may kaibigan po ako na kasabay ko sya sa pag-utang sa chinatrust, di na din sya nag bayad. sabi nya dami na daw siyang demand letter, tapos di daw nya pinansin. ngayun po super worried po ako.
please help me.
__kung sino man dito ang may pariho issue please share you thoughts.
sa moderator. thank you po.