Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

REDUCED WORK HOURS FOR AN UNDEFINED TIMEFRAME -LEGAL PO BA ITO?

Go down  Message [Page 1 of 1]

palatanong


Arresto Menor

Isa po akong call center agent. Sa kasalukuyan po, sa halip na 5 days ang trabaho namin ay 2 hanggang 3ng araw na lang ang pasok namin. pinapirma po kami ng isang kasulatan na nagpapatunay na pumapayag kami sa "reduced work hours" subalit hindi po nakasaad kung hanggang kelan ang ganitong uri ng setup. Ang amin pong acct ay marahil patungo na sa pagsasara subalit ni isa sa mga boss namin ay walang nagiging tapat sa pagsasabi nito sa amin. isa pong katunayan marahil ay ang pagkaunti ng bilang ng tawag na pumapasok kung kaya marahil ay naisip nilang ipatupad ang kasunduang ito.

Bilang isang "security measure", ang mga boss po namin ay hinihikayat kami na lumipat ng ibang acct subalit ito pong nabanggit kong mga account ay higit na mababa ang pasahod kaysa sa iniuuwi namin ngayon. Ang kanila pong katwiran ay dahil daw ito sa iyon ang standard na pasahod ng nasabing account na yun. Sa aking opinyon, bilang empleyado ng call center na ito at hindi ng nasabing acct na kliyente lang ng kumpanya, isa po itong malaking "deception" o panlilinlang sapagkat me kakayanan sila na iretain ang existing naming kita.

Sa madaling salita po ay ginigipit nila kami at kulang na lamang ay ipagduldulan sa amin na magspiag resign na kami. Ayaw po nila magbayad ng redundancy pay kung kaya sa mga ganitong paraan nila pinipilit na umalis ang mga empleyado.

Kung maaari po ay pakibigyan kami ng legal advice at kung me mga katanungan pa po kayo ay pwede ninyong i-post dito... lubos po akong nagpapasalamat...

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum