Biglaan po kasing hininto yung operations ng department namin. Tapos ngayon po, tinerminate kami dahil sa unproductivity at delay daw ng project.
Nung sinuspend kami, walang previous memo. Tapos ako po na manager, binigyan ng isa pang memo at ginawan ng kaso na grounds for dismissal. Yung mga tao ko po, memo agad for termination. Yung isa, naunang ni-retrench.
Plano po naming ilaban to. Sinabihan ko sila na wag muna magpunta ng office para pirmahan yung termination memo at quit claim. Ako po, di pa tinatawagan ng HR.
Tama po ba na Constructive Dismissal ang case nito or Illegal Dismissal na kahit di pa namin napipirmahan yung memo?
Tapos 44 hour work week po kase kami. Tama bang hindi overtime yung four hours extra? Ang alam ko po, walang overtime ang managers so sa kin po walang kaso. Pero dun po ba sa mga tao may kaso sila?
Thanks in advance po.