Hihingi po ako ng advise dahil dinismiss ako sa pinagtatrabahuhan kong call center. Ang nangyari po ay may tumawag saking customer na nagpapatulong na ma-access yung account nya sa website namin. (Sa sales account po ako) lahat ng customer namin na matagal ng gumagamit ng software namin (Quickbooks-accounting software) ay may account online. Nung tinutulungan ko na po yung customer na ma-access yung account nya online,nahihirapan po kami sa dahilan na hindi gumagana ang password nya, gumamit kami ng ibang email address nya pero ganun pa rin ang nangyari, sa madaling sabi tinulungan ko po siya yun nga lang hindi tlga ma-access ang account nya, so sabi ko sa kanya itatransfer ko cya sa ibang department na maaaring makatulong sa kanya,so naka-hold muna sya para maka-contact ako sa ibang dept,nung may nakausap na akong ahente sa kabilang linya,sabi ng ahente hindi na daw nya yun saklaw,tanungin ko daw yung customer kung ano ang purpose nya kung bakit gusto nyang i-access ang account nya,bumalik ako sa customer at napag-alaman ko na gusto nya lang palang i-register/activate yung software nya at yun nga din ang sinabi ko sa ahente na nasa kabilang linya,so since na saklaw ko pa yung issue ng customer na "registration" ni-let go ko na yung ahente. napansin ko halos mag-iisang oras na ako sa call (approx. more than 40mins na) sa puntong yun cramming na ako at sa kakadali ko nasabi ko na lang sa customer na itatransfer ko ulit cya sa dept na kung saan matutulungan cya,na-hold ko muna yung customer at nag-contact ulit ako sa previous dept, habang naghihintay ako na may sumagot sa kabilang linya naisipan kong balikan yung customer at tulungan na lang sa kanyang issue,nung binalikan ko yung customer hindi na cya sumasagot pero alam ko nasa kabilang linya pa sya kasi nakikita ko pa yung contact number nya sa phone,naghintay ako ng isang minuto pro hindi talaga cya sumasagot so iniform ko na lang cya itatransfer ko na lang cya sa dept na matutulungan syang i-register ang software nya, cold transfer po ang ngyari (cold transfer- transferred call without introducing the customer since wala na kong naririnig sa kanyang linya.)
Eto na po yung issue ko:
-sabi po nung nag monitor sakin ni-release ko daw yung call kahit hindi naman kasi nga tinransfer ko naman sa ibang dept
-nung napakinggan ko po yung call recording hindi ko na narinig yung huli kong sinabi bago ko tinransfer yung customer (pwede kayang may tech issue sa phone?)
-lumapit na po ako sa SEnA pero wala din nangyari kasi daw just cause yung dismissal sakin sabi nung pinadalang representative ng employer
-paano ko po ipaglalaban yung 2nd statement ko sa issue na 'to na hindi ko napakinggan yung sinabi ko sa call?
-pinatawan po akong cases for Call disconnection, Call avoidance, Gross and Habitual Negligence.
-ano po ang susunod kong hakbang?
Sana po matulungan mo ako. Salamat.
Last edited by johnnydoes on Wed Jan 29, 2014 12:57 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : additional info)