Gusto ko lang po sana malaman kung ano dapat gagawin sa problema po namin. Nakatira po kami sa isang timberland at noong 1997 may umaangkin sa lupa na sa kanila raw yon at meron silang titulo. Mga mahihirap lang po kami kaya wala kami masyado magawa kahapon nga po ay sinubukan nilang gibain ang mga bahay namin dito kaya lang hindi natuloy kasi lumaban po kami. Mahigit 20 lang po kabahay ang apektado at ng lumapit kami sa dating mayor na abogado rin ay picturan daw namin pag sinubukan nila gibain mga bahay namin at kung talagang grabe na kunin namin sya.
Ang umaangkin po sa lupa ay isang politico dating gobernador. ang dating mayor lang po ang tumutulong sa amin kasi po ang hinirang na mayor ngayon at gobernador at brgy captain ay kaanak o kaalyansa nila kaya ngayong taon na ito aggresive na sila na mapasakanila ang lupa.
May hawak po kami ng certificate ng DENR na declared na timberland nga kung saan kami nakatira, ang certificate ay dated pa nung 1980 (d ako sure pero mga ganyang year yung nakalagay, nakalimutan ko kasi). Sa natatandaan ko 25+ yrs na kami nakatira dyan kasi dyan narin ako lumaki.
Ang tanong ko lang po may karapatan ba silang mang angkin ng lupa?
Pede po ba nila kami mapaalis kahit timberland ito?
Maraming salamat po sana matulungan ninyo kami.
Last edited by robtek on Sat Oct 01, 2011 6:39 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : add some details)