Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

estafa thru falsification of public documents HELP PLS!

Go down  Message [Page 1 of 1]

maiquell


Arresto Menor

Good day Atty, isa po akong garage type buy n sell ng used car. last August 2010 ay nakapagbenta po ako ng Toyota yaris 2008 model sa halagang 540K.Pinakita ko po sa buyer ko yung mga origal documents at Pnp clearance ng iverify nya ng hindi hot car at wlang alarm ay nagkabayaran napo kami sa akin bahay kaharap ang aking mga anak at kapatid at ibinigay ko ang kaukulang documents pati ang open deed of sale. Nagulat po ako ng 2months ang nkalipas ay may supoena po ako galing sa NBI ng Dec 2010 na may reklamo ako at sinampahan ng estafa sa dahilang yung CR daw ng sasakyan ay peke. pumunta po ako ng antifraud division ng NBI tinanong ko po kung paano nangyari yun samantalang may PNP clearance at walang alarm ang sasakyan. ang sabi nila sa kin ay may nagreklamo daw ng carnap at isinoli na nila yung kotse. para hindi daw ako magkakaso ibalik ko na lang daw ang 540K at ok na. hindi po ako pumayag magbayad sa kadahilanang 1.walang police or NBI report ng 1st owner na nag rereklamo,2. di po nila pinakita ang car kahit sa aking abogado, 3. kung ito man ay naisoli himihingi po ako ng copy ng impounding ng car,released,written agreement at turn over nito. 3rd owner npo ako 4th owner yung nagrereklamo.pinasupoenahan ko po sa NBI yung nabilan ko sabi po nila sakin di nko dapat nagfile at nagbayad na lang po sana ako. nasa Fiscals office napo ng Paranaque ang case. sa patuloy na laban ko nakita namin na yung CR na iprisinta nila ay walang pirma ng LTO chief ibig sabihin ito at not valid. at katulad sa NBI hiningi ko rin ang mga papers na nagsasabi na may nagreklamo, may kasulatan ng impound, may solian at turn over at nasaan ang Car? ngunit wla po naproduce ang NBI at nagrereklamo. sinabi nila sa Fiscal na ipasa na for resolution. ATTY. tama po ba na maging estafa ang kaso ko kung nasa kanila ang sasakyan? Sa kasalukuyan nung nagverify po ako sa LTO ay narehistro po yung car last april 2012 ibig sabihin ay wala po itong problema. natakot po ako na sindikato ito dahil nung ididismissed na ng asst. prosecutor ang aking kaso ang hindi po pinayag ng chief prosecutor at pinasasampa sa korte. hindi pa po ako nagkakaso kahit kailan, magbabail po ba ako? magkano po? LUbos ko pong kailangan ako tulong ninyo. at sagot marami pong salamat at mabuhay ho kayo!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum