Gandang araw po sa lahat. isa po akong OFW dito sa gitnang silangan. nais ko pong ihingi ng advice ang tungkol sa reklamo naming mga manggagawa pilipino at ibang lahi sa aming supervisor. isa po din siyang pinoy na nagpapaklala sa amin na isa siyang ELECTRO-MECHANICAL ENGINEER. at ginagmit din niya ang titulong engineer sa kanyang mga pirma.dumating po siya dito sa aming pinagtatrabahuhan kumpanya bilang isang engineer. subalit ng aming icheck ang kanyang PRC number ay iba po panglan ang nagmamayari ng numerong yun.at wala din po ang kanyang panglan bilang engineer sa talaan ng PRC..ang tanong ko po ano po kaso ang maaring isampa laban sa kanya at pano po ang proseso nito?ang PRC po ba ang magsasmpa sa kanya ng kaso o ang kumpanya namin dito sa Gitnang Silangan?kung di po maghahabol ang kumpanya namin dito sa pagkakaso sa kanya at pauwiin na lang siya sa Pilipinas, may karapatan po ba ang gobyerno na ihabla siya sa kanyang ginawang pagsisinungling at pagpapababa ng moral ng lahing pinoy dito sa aming kumpanya. marming salamt po sana po ay matugunan ninyo ang aking katanungan.