Ganito po ang sitwasyon. May isang lote po ng lupa na naiaward sa pangalan ng mother ko ng goverment, residential area po ito. Hinati po namin sa pangalan namin ng mother ko yung lupa, sa ngayon ay may titulo na yung lupa na nasa pangalan ng mother ko, at yung nasa pangalan ko ay under processing pa rin sa DENR. Verbally ay pinaghatian naming magkakapatid yung lupa na nasa pangalan ko at ng mother ko. Ang share ko ay nasa lote na nasa pangalan ng mother ko, at meron akong isang kapatid na ibinenta yung share nya sa lote na nasa pangalan ko. Sa bentahan nila ng buyer ay ako ang pumirma sa deed of conditional sale pero wala akong natangap na anomang kabayaran sa lupa. Ang mother ko naman ay walang consent sa naging bentahan dahil hindi nya nalaman ito. Kaya naman pumayag akong ibenta ay dahil share nya yun at lagi nya akong ginugulo. Kaya lang nagkaroon po ng problema sa bentahan dahil sumobra ng ten square meters yung ibinenta ng brother ko na may pirma ako. May papel po akong napirmahan na agreement between me and my brother na binibigyan ko sya ng full consent and approval na maibenta yung
share nya sa buyer. Ng malaman po ng mother ko ang pangyayari ay binantaan nya ako na sa share ko sa lote na nasa pangalan nya babawasin yung ten square meters na sobra sa dapat na share ng brother ko na ibinenta nito. Agrabyado po ako sa bentahan, wala naman akong natangap na anomang kabayaran sa lupa tapos ako pa ang maababawasan ng share. Kinausap ko po yung buyer na i-correct yung tamang hatian dahil sakin nga babawasin yung sobra, pwede namang ipa-refund na lang nya sa brother ko yung sobra, pero ayaw nyang pumayag. Idadagdag ko pa po ang information na hindi buong lote na nasa pangalan ko yung ibinenta, nasa 3/4 lang po ng lote yung naibenta. Sa ngayon po ay humihingi sakin ang DENR ng certified copy of waiver of rights represented by my mother in favor of me para sa application ko ng lupa.
Pagpayohan nyo po ako kung tama ang gagawin ko. Gusto ko pong ibalik na lahat ng rights sa mother ko at sila na ang bahalang mag-usap. Ayaw ko kasing maagrabyado at sakit ng ulo.