Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

entrusted waiver of rights

Go down  Message [Page 1 of 1]

1entrusted waiver of rights  Empty entrusted waiver of rights Sun Oct 26, 2014 1:00 pm

dcvigonte


Arresto Menor

Please Advice..

My family sold a piece of land noong September 2012, divided sa aming lima (5) na magkakapatid at nanay ko ang pinagbentahan. Each one of us got P600++K. That amount of course idiniposito sa kanya kanyang bank accounts except sa kin cause that time wala akong active bank account. Yung pera na nakuha ko e sa nobya ko na account ko ipina-deposit dahil plano ko din na ibili agad ng lote na mapapagtayuan ng sariling bahay & that time maayos pa ang relasyon namin.

She then offered me to buy nung idini-deal ng tiyahin nya na real state broker, residential lot which is an awarded sa mga na-relocate, RIGHTS nga lang kasi di pa maaplyan ng title, dalawang (2) lot ang ibinibenta 90sqm each, mgpapagamot daw kasi ang may ari ng lote kaya minamadali. Ibinenta ng 110K kada lote pero nabili ko lang ng 200K dahil sabay naman daw. Ang problema ay hindi pwedeng ipangalan sa kin yung parehong lote dahil awarded lang sa relocation site dapat magkaibang pangalan ang WAIVER OF RIGHTS ng bawat lote. So ang ginawa namin ay ung isang lote sa kin ipinangalan at yung na dapat sa kapatid ko ipapangalan e sa nobya ko na lang ipinangalan dahil out of town yung kapatid ko that time at syempre dahil na din sa tiwala ko sa nobya ko. Walang DEED OF SALE dahil di naman tiltled yung lote.

Na-transfer ng location ang trabaho ko sa Iloilo at once to twice a year lang ako pwede makauwi, hanggang dumating yung time na nagkalabuan kami nung nobya ko at naghiwalay. Dahil sa galit nya sa kin sa nangyari ginamit nya dahilan yung lote na nabili ko para makaganti hanggang sa dumating sa point na inaangkin nya na na sa kanya yung lote kasama nung bahay na ipinatayo ko sa lote na yun dahil sa kanya daw nakapangalan yung WAIVER OF RIGHTS kaya wala daw akong karapatan dun. Parang nanalo siya ng jackpot sa lottery na walang biniling ticket.

Last September 2014, umuwi ako para kausapin siya at hopeful na baka naka-moved on na siya at makipagusap. Pero noong nagkaharap kami nagmatigas na sya na at ayaw i-give up yung lote kasama ng mga papeles na sa kanyang pangangalaga. Inireklamo pa ako sa Barangay noong pumunta ako kasama yung ate ko at isa sa mga kagawad ng barangay kung saan located yung lote para makipagusap tungkol sa bahay at lote, ginigulo ko daw siya at tinatakot ang mga kapatid nya.

Pwede ko po ba syang sampahan at ano po ba ang pwdeng ko isampa na case laban sa kanya kung hindi siya mgparaya at magmatigas? Pwede ko bang gamitin na evidence yung mga bank accounts ng mga kapatid at nanay ko bilang patunay na sakin talaga yung pera na ginamit pambili ng lote at mga gastos sa pagpapagawa ng bahay?

Salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum