Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

FROM ESTAFA to THEFT

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1FROM ESTAFA to THEFT Empty FROM ESTAFA to THEFT Mon Sep 05, 2011 9:03 am

mareendes73


Arresto Menor

Ask ko po ang tulong ninyo. Sinampahan po ako ng kaso ng dati kong kasero of ESTAFA. Ganito po kasi ang story : may lease of contract po akong pinirmahan. It was a usual contract. Ok naman po ang lahat hanggang sa dumating na nagkaroon ng problema ang hubby ko abroad at hindi nakapagpadala. May advance at deposit nman po ako, kaya wala pong problema sa renta. Ang naging problema po ay sa meralco bill. Kasi po, sobrang init kaya nka aircon kami.. lumaki po ng husto ang bill namin (submeter) dahil po sa wala akong cash na pambayad ay nagprisinta po ako sa kasero na ako na ang magbayad dahil meron po akong check at inaasahan ko po na may magpapasok ng pera sa check dahil may magbabayad sa akin. Kung kaya po ang ibang pera na pambayad sa total bill ay ibinigay nya sa akin. Dahil po sa nagbayad ako sa meralco using my check, nagastos na po namin ang pera dahil nga po walang padala ang mr ko. Nalaman ko po na hindi nakapagpasok ng bayad yung sinisingil ko kaya tumalbog ang check, samakatuwid ay hindi nabayaran ang bill. Dahil sa hiya ko sa may ari ay nagprisinta muli ako na magbayad ng bill for the 2nd time dahil sa kagustuhan kong ayusin ung naunang hindi na settle. At same story po, inabot nya uli sa akin ang ibang pambayad. NGUNIT, sadyang hindi dumating ang inaasahan kong pera, kaya sadyang gipit po ako at hindi ko tuluyang nabayaran ang mga bills. Nagpasya po kami ng mga anak ko na lumipat na lang sa bahay ng mga nanay ko at dahil sa kahihiyan ko sa may ari at madalas din po siyang wala sa bahay, nag iwan na lang po ako ng sulat na inilulusot ko po sa may pinto niya. Nangangako po ako na pag nakaluwag luwag ay babayaran ko po ang lahat ng atraso ko. Hindi po ako nagpalit ng numbers ko. At dahil po sadyang hindi pa ako nagkakaroon ng pera na pambayad ay hindi ko po magawang magpakita sa kanya dahil gusto ko po na pag nakipag usap ako ay may pambayad na ako. Nagulat na lang po ako at may dumating na subpoena sa akin na may kasong estafa. Naka attend po ako ng 1st hearing at right after the hearing ay nag usap po kami ng kasero ko at sinabihan ko sya na huhulug hulugan ko na lang ang atraso ko sa kanya and we both agreed. Ang kaso po, nung 2nd hearing na dapat isa submit ko ang counter affidavit ko ay na late po ako sa hearing pero prior to that ay nag txt po ako sa kasero ko na on the way na ako at nagka problema lang. pero hindi po siya nagreply. Pagdating ko po sa Manila City Hall ay tapos na po ang hearing at sabi nung asst prosecutor ay for resolution na daw po. Hanggang may dumating po na sulat na ang resolution nga daw po ay naging 2 counts of THEFT at for filing sa Manila Trial Court.

Hindi ko po alam ang gagawin, may 3 po akong anak at natatakot po ako kung anong mangyayari. Payuhan nyo po ako at sadya po na wala akong pambayad ng abogado sa ngayon. Marami pong salamat! Asahan ko po na matutulungan ninyo ako.

2FROM ESTAFA to THEFT Empty Re: FROM ESTAFA to THEFT Tue Sep 06, 2011 8:08 pm

attyLLL


moderator

i would have argued what you committed is estafa through abuse of confidence. you are lucky it's just theft.

you should first file bail or else you may be arrested. the pao lawyer will be your lawyer if you cannot get your own.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum