Nag-lalakad po ako kasama ang aking kaibigan sa tapat ng bahay ng amo nia nang bigla nya akong hanapan ng lalagyan ng ice. Na kinuha ko daw po nang magkaroon ng party doon. Wala po ako kinuha. tinanong ko ho sya ng mraming beses kung ako ho tlga ba ang siguradong kumuha. Ang sabi nia po ay, "OO"..
Papunta po ako ng tindahan nun.Umalis po muna ako at nag-isip kung may nakuha po ako.. (Kaaway ko po pala yung amo nya) Wala po talaga akong maalala kaya sinabi ko ho na pumunta nalang sya sa bahay para i-check yung hinahanap nia.. Ang sabi nia po, "hindi na kailangan dahil alam kong kinuha mo." Ang point ko ho ay para matapos na kasi may kapitbahay na na-kakarinig. Naisip ko na nang-aasar talaga ang ale na ito, kaya sinagot ko na ho sya.
(Nawalan po sila ng laptop noon.)
AKO: "Baka gusto nio ho paayos yang mata ninyo dahil ang una nio hong dapt n hinahanap ay yung LAPTOP..
MANANG: "Nasa mabuting kamay na yun."
AKO: talaga!
(at bigla ho kaming kumanta ng "SA CEBUANA LHUILIER DAMANG DAMA PERA PADALA...hehe)
Nakipag-asaran lang kami
Nag-file po sa brgy ang ale na binastos ko sya at pinag-bintangang kumuha ng laptop at sinanla daw sa cebuana..
at ung plastic na yelo sinasabi nia ay hindi ung maliliit na square na gawaan ng yelo na iniisip ko at plastic daw na pwede din pag-lagyan ng ulam..
May dala nga po akong ganun nung party, pero amin po yun.
At wala po akong binintang.. Mukhang inunahan nya lang ako sa brgy na wala naman akong planong idemanda sya.
Pinakita ko po sa brgy yung plastic na sinasabi nia na un daw kasunod nang 2 pang plastic container na katulad din nun.. Libre lang po yun sa sm nung bumili kami ng ref. May resibo na po akong pinakita sa brgy. at pinatatawagan ang sm ng malaman nilang may libreng ganun..
Ano po ba pwede kong ikaso sa kanya? May patutunguhan po ba ang ikinaso nia laban sa akin kahit wala itong testigo at katotohanan.?
Maraming salamat po!