May question lang po kami ng husband ko kasi po meron nanghiram sa min ng pera una P50,000.00 gagamitin daw nila sa business sunod P50,000.00 ulit gagamitin daw nila sa pampagamot sa tatay nila bale an total na halaga P100,000.00 napagkasunduan po na babayaran nila ito ng 20 months ng issue po sila ng check, may pinirmahan din po silang kasulatan and binigyan po nila kami ng copy ng titulo ng lupa. sa kasamaang palad po bale po ung ibang pera na pinahiram namin eh hiniram lang po ng asawa ko sa coop nila sa company kinakaltas po un sa sweldo nya bale kami po ngayon ang ng susufer sa ginawa nila sa totoo lang po nagsisisi po ako kung bakit ako naawa sa kanila.
Sa unang buwan pa lang ng bayaran late n sila ngbabayad ganon din ung mga sumunod na mga buwan hanggang nitong june 2011 hinulog namin ung check nila after 3 day tumalbog yung check ininform po namin sila tapos ang sabi nila sa min wala pa raw pondo ung account nila bat daw namin dineposit eh dated po ung check ng may 30 eh late na nga po nmin dineposit para cguradong may pondo na sila Tapos june 14 po ang sabi nila sa min aayusin daw nila ung account nila dahil nga raw po sa nangyari at nagbayad pa raw sila ng malaki sa bangko sinisi pa nila kami dahil sa ginawa namin. tinatawagan namin sila nung araw na un pero ayaw nilang sagutin nasa bangko pa raw sila(mag 4pm) then after nun ang tagal bago sila nkapag bigay ng bayad. Then july 2011 wala na silang hinulog ni inform di nila ginawa sa min ang ginawa namin ung dated july 15 & 30 na check hinulog ulit namin sa bangko then after 2 days tumalbog si check nakalagay po dun "closed account" ininform po namin sila na tumalbog ang check eto po sagot nila "bat hinulog nyo pa alam nyo naman closed account na" sa totoo lang po attorney wala silang sinabi na closed account na ang sabi nila aayusin so it means d po ba open pa ung account nila un pagkakaintindi namin. pinadalhan po naminsila ng notice bounced check walang reaction kung d pa po kami mgtxt sa knila kung nareciv d po sila mgtetext d pa rin po sila ng bayad pinadalhan po namin sila ng demand letter wala rin pong reaction nagtext nanaman po ulit kami para itanong kung nareciv po nila nagreply po at nangako na babayaran pero hanggang ngayon po wala pa rin po kaming natatanggap na kabayaran ngayon po idedeposit nanaman po namin ang check nila dated august 15.
ano po kaya ang dapat naming gawin? kailangan pa po ba namin mgpadala ulit ng demand letter na galing sa attorney? mgakano po ba mgpagawa ng demand letter? mgkano rin po kaya ang magagastos namin pag ng file kami ng kaso? ano po ang step by step procedure na dapat naming gawin? kelangan po ba namin kumuha ng abogado o diretso na po kami sa fiscal?
nawa po'y masagot or matugunan nyo po ang aming mga katanungan asap!!
maraming salamat po.