hi, i need legal advice..may demand letter po ako. may pinag kakautangan po akong tao..at the same time po agent din po nya ako sa lending nya. ako po ang taga issue ng check ng mga kumukuha ng pera sa kanya which is common friends din po namin ang mga ito. ang terms of payment po sa kanya is monthly basis (may terms)..para pong bank..kung ilang months mo kukunin ang pera kelangan monthly magbabayad ka ng capital and interest.sya po ang gumagawa ng monthly payments. at bawal po ang malate kahit 1 day lang. almost 4 years na po naming ginagawa ito..hangang last august po. hindi po ako nakabayad. kinausap ko po sya na babayaran ko nalang po sya by nxt month kasi po under po kami ng financial; crisis pero pinangako ko po na babayaran sya humingi lang po ako ng konting time..ang nangyari po marami po sa cheke eh last payment noong august. kaya po talagang kailangan ko nang mag bayad. ang masama po ipinsok na nya po ang check sa bank, na alam nya namang pong walang pondo un. ang masama pa po. sabi sa demand letter ng attorney nya 450,000 ang utang ko, kasi po un ung total amount nung check eh ang utang ko nalang po sa kanya is 150,000..sa laki po ng tiwala ko wala po akong resibo sa mga ibinayad ko..pero madami po ang magpapatunay sa mga kaibigan namin na naghuhulog ako, dahil ang patakaran po nya pag di nakakabayad kahit 1 day lang ay nagagalit ng todo. tapos po ang nakalagay sa letter ng attorney nya e i-settle ko po in 10 days. ano po ang dapat kong gawin...may laban po ba ako. sbi po ng naka usap ko na attorney eh. wag ko nang sagutin ang letter ng attorney nya. at hintayin nalang daw naming i-akyat ang kaso...tama po ba desisyon ito..natatakot po ako..kasi po hirap na po ako. tapos mag babayad pa po ako ng malaking halaga. na binayaran ko na po halos..please help po.
Free Legal Advice Philippines