May tanong po sana ako kasi po nakabili po ang tiyahin ko ng lupa dito sa Antipolo, ngayon po ibinigay nya sa amin ang maliit na parte para mapatayuan naming magkakapatid ng bahay, rights lang po ang lahat ng nakabili ng lupa dito kaya po hindi na daw kailangan ng bulding permit, pero po nung nagpatayo na kami ng bahay at kung kailan patapos na may pumunta po na ingeneer at nag wowork sa City Hall ng Antipolo binigayan po kami ng notice at pinatitigil po ang pinagagawa naming bahay, pinuntahan po namin sa Cityhall para malaman ang problema, sinabi po nila na kailangan namin kumuha ng building permit, eh tapos na po ang bahay konti nalang at sa loob nalang may mga aayusin, kailangan pa po ba naming kumuha at mag apply ng building permit? pag di daw po kasi kami kumuha ang sabi po nila eh idedemanda kami, at baka daw po ipagiba pa yung aming bahay.sana po matulungan ninyo kami sa kung ano ang pwede naming gawin, wala po kasi titulo ang mga lupa dito. maraming salamat po.