Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Case of No Building Permit- Our Life or Their Building?

Go down  Message [Page 1 of 1]

lady_saratoga


Arresto Menor

I have this neighbor who constructed a 3-storey building that kissed our roof and covered our windows.  

We own the house but we rent the lot.

Here's the scenario:

1.  The OWNER passed away in 1983 and was NOT able to transfer the title to his children.  However, we continued to pay the monthly rent for the lot to his SON who was only issuing receipts bought in Recto... not an official receipt.

2.  The SON passed away in 2012 na HINDI naasikaso ang TCT ng lupa at may utang sa amilyar.  He left his WIFE and children who continued receiving our monthly rent.  Recto receipts din ang iniissue sa amin....so unofficial receipts pa rin.  Hindi rin nagbabayad ng amilyar.  Magbayad man sila, may utang pa ring malaki.

3.  In short, yung namatay na OWNER pa rin ang nasa title.  Until now, hindi pa rin inaasikaso ng mga naiwang anak ang TCT.

4.  One of the settlers is a family claiming they have the right for the property because they are grandchildren of the OWNER.  (actually, apo lang sila sa pinsan so i don't think they have the right since may immediate grandchildren yung owner and the land is NOT donated to them).  

5.  UPAO entered in the scene saying na may utang yung OWNER sa amilyar at pwede nang kunin ng govt...pwede DAW mapunta sa mga settlers na naroon  etc.. etc..

6.  Sa madaling salita, pinagbawalan ng barangay at UPAO na singilin pa kami every month sa upa hangga't hindi natatransfer ang lupa sa totoong mga anak.  Lumakas tuloy ang loob naming mga settlers na ipaglaban na mapunta sa amin ang lupa.  Hindi na makapunta dito yung mga anak para maningil kasi hinahanapan na namin sila ng TCT.  At dahil sa unofficial receipts ang iniissue nila sa amin, tinakot namin sila na magrereklamo kami sa BIR dahil bukod dun, declared pa nila ang property as vacant lot.

7.  Itong mga kamag-anak (apo sa pinsan) ang ngayon ang mayayabang dito....naghahari-harian sa lugar.  Nagtayo ng 3-storey building na dumikit sa bubong namin, nag-overlap sa bakod namin, sumira ng alulod namin at nagtakip sa windows namin.  

Lahat ng reklamo ko hinggil sa everyday na pagkakalat nila ng buhangin at tipak na bato or hollowblocks na pumapasok sa bubong namin, ang unauthorized na pag-apak sa bubong namin ay binalewala nila.  Feeling nila, sa kanila na talaga ang lupa.  he he.  Kapal din ng face talaga.

8.  Dinala ko ang complaint ko sa barangay--- mukhang kinampihan pa sila ng barangay dahil KAGAWAD yung anak ng nirereklamo ko.  (Pakialam ko naman kung Kagawad) Smile

7.  So I brought my complaint to the City Engineering Office kasi ultimo yung mga immediate children at apo ng tunay na may-ari ay AYAW na ring makialam.  

8.  No one is allowed to construct a building without building permit kahit pa sabihing pinayagan sila ng mga anak ng tunay na may-ari.

HINDI sila pwedeng mag-construct kung may UTANG sa amilyar.

Walang engineer or architect hired for the planning and construction.  Hindi ko alam kung gaano katibay ang pundasyon para gawin nilang 3-storey building.  At feeling ko, since kami ang katabi, kami ang unang babagsakan sa oras ng lindol.  Sinabi ko sa city engineer na kapag sila'y nabigyan ng building permit, iaakyat ko ang reklamo ko kay Mayor at pwedeng iakyat ko sa media.

Pina- stop ng engineering office ang construction dahil sa reklamo ko.  Pina-blotter ko rin ang buong pamilya para anumana ang mangyari, sasagutin nila lahat ang danyos dahil MATAGAL na akong nagrereklamo.  

ANG TANONG PO:  Tama bang ipagiba ko ang ibang part ng building na sa tingin ko ay magdudulot ng kamatayan or perwisyo sa amin sa oras ng lindol?

Gigibain ba ito ng city hall sa oras na mapatunayang 'illegal construction' ito?

Tama ba na iakyat ko na sa mayor ang reklamo ko dahil tigil-trabaho lang ang nangyari sa construction at wala akong narereceive na matibay na solution mula sa city engineering office?

Saan pa po ako pwedeng magreklamo para maproteksyunan ko ang buhay ko at ng aking pamilya bukod sa media?

Maraming salamat po sa tutugon.  God bless po!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum