May tanong po sana ako kasi po nakabili po ang tiyahin ko ng lupa rights lang po, ngayon po ibinigay nya sa amin ang maliit na parte para mapatayuan naming magkakapatid ng bahay, marami na pong nakatira dito sa lugar malalaki narin ang mga bahay.kaya nag umpisa po kami magpatayo ng bahay pero po nung nagpatayo na kami ng bahay at kung kailan patapos na may pumunta po na ingeneer at nag wowork sa City Hall binigayan po kami ng notice at pinatitigil po ang pinagagawa naming bahay, pinuntahan po namin sa Cityhall para malaman ang problema, sinabi po nila na kailangan namin kumuha ng building permit, eh tapos na po ang bahay konti nalang at sa loob nalang may mga aayusin, kailangan pa po ba naming kumuha at mag apply ng building permit? pag di daw po kasi kami kumuha ang sabi po nila eh idedemanda kami,ano po ang ikakaso sa amin if ever. at baka daw po ipagiba pa yung aming bahay.sana po matulungan ninyo kami sa kung ano ang pwede naming gawin, wala po kasi titulo ang mga lupa dito at kami lang ang binigyan ng due date para sa building permit . maraming salamat po.