Meron po ako naging ka leave in, umabot din po kami ng 3years mahigit. 2 po ang anak ko sa kanya, namuhay po kami na parang mag-asawa pero hindi po kami nagpakasal. Ngunit noong taong 2009 nung magpa-renew po ako ng passport ko, nalaman ko po na ako ay kasal sa kanya. Wala naman po talagang nangyaring kasal, at meron po akong notarized na kasulatan noong pong panahon na inaako ko po yung pangalawang anak ko sa kanya na hindi pa po kami nagpapakasal ngunit ako po ang ama ng kanyang anak. Napasok po sa NSO ang kasal, hindi ko po alam paano po nangyari yun. Nung 2009 din po nung magkita kami ng aking kaibigan, nabanggit nya sa akin na nung mga panahon daw na nagsasama kami ng aking ex-leave-in partner eh sa pagkakaalam nya merong kinakasama yung ex ko na iba habang ako ay nakadestino sa ibang lugar dahil sa aking trabaho. Dahil din po sa insidente ng kasal na di naman talaga nangyari napaisip din ako kung talaga nga bang sa akin yung dalawang bata.