Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

physical injury?

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1physical injury? Empty physical injury? Mon Jun 13, 2011 5:33 pm

MYAMSON


Arresto Menor

hello my friends has a problem with his husband's case, she sent an emailto tulfo but the latter didn't respond. Please find below the copy of the email,she badly needs legal advise. Thanks!


Magandang Araw po!

Ako po si xxxxxxxxxxx, kasalukuyang nakatira sa Mandaluyong City.
Nais ko po sanang humingi ng legal advise patungkol po sa nangyari sa
aking asawa na si xxxxx noon ika-4 ng Hunyo, 2011.

Aaminin ko po na nakainom ang aking asawa ng oras na iyon at kame po
ay nagkaroon po ng pagtatalo sa kalsada (Sikap St. Mandaluyong).
Nagpupumilit po aking asawa na umalis pa, ngunit dahil nga po sa
nakainom na inaawat ko na po sya kasama ng aking na 5 kaibigang babae
at 1 lalake sa kadahilanang nais ko lang pong may makatulong sa
pagpapauwi na aking asawa.

Di pa po nagtatagal ay may dumating na lalaki na nakasakay sa single
na motor at nakialam at minura ang aking asawa na nasa loob ng
tricycle, sinita po siya ng aking lalaking kaibigan at sinabeng wag ng
makialam. Nagalit po ang lalaking nakasakay sa single na motor at
kumuha ng kahoy na ipapalo, pinakiusapan po namen at humingi ng
pasensya ngunit hindi po nakinig, at patuloy pa din sa pagsasalita. Sa
madaling salita wala pong pananakit na naganap dahil maagap po nameng
naawat.

Nauna na pong nakauwi ang lalaking kaibigan ko kasama ang tyahin nya,
ng biglang sumulpot na naman sa aming harapan yung naka-single na
motor at may kaangkas na lalaki, biglang bumaba at sinabing aarestuhin
daw po ang aking asawa dahil may nagcomplain, bilang may bahay
nagreact po ako at nagtanong bakit aarestuhin samantalang wala naman
ginawagawa ang aking asawa. Bumaba ang lalaki sa single na motor at
biglang sinuntok ang asawa ko, at saka nagpakilala yung kasama nito na
Baranggay Tanod daw siya, lumaban po ang aking asawa dahil sa
kukuyugin na kame ng mga lalaki na di namen sigurado kung saan
nanggaling, kung iisipin apat kameng babae at isang lalaki lang.

Naka-takabo po ang aking asawa ngunit muntik masagasaan ng patrol car,
at sa dame ng humahabol di na po sya nagatubili na tumakbo, kame naman
po ng mga kasama kong kaibigan ay nag-desisyon na umuwi na. Di pa po
nagtatagal may mga batang humahangos at nagsabi na nahuli daw po ang
aking asawa at binubugbog sa patrol car. Kame po muling sumunod sa
ospital, doon ko na po siya inabutan na may tama sa ilong at puro dugo
ang damit. Gusto ko man pong samahan sa loob para masigurado na lahat
ng tama sa katawan ay lumitaw sa medico legal, pinalabas naman po ako.

Dinala po ang aking asawa sa CID sa City Hall ng Mandaluyong dahil
nakasira po siya ng wind shield isang Innova, nakausap ko naman po ang
may-ari na hindi daw sya magsasampa ng reklamo o demanda dahil
ipapasok nya ito sa insurance at kelangan lang niya ng dukomento.
Pilit kong hinahanap yung lalaking nagcomplain daw sa kanila at
sumapak sa asawa ko na naging sanhi ng kaguluhan, ngunit walang
maisagot ang baranggay tanod.

Napagusapan na aregluhin na lang, at dahil na din sa aking kakulangan
sa kaalaman sa mga bagay na ito at sa takot na baka ikulong ang asawa
ko, pumayag ako na magpablotter na lang sa baranggay ng pinangyarihan.
Naging palaisipan sa akin ang mga nangyare, dahil parang inamin ko na
din sa sarili ko na nanggulo nga talaga kame at sila pa ang
angrabyado.

Kinabukasan, pinauwe ang asawa ko sa trabaho dahil nga sa mga tama na
tinamo nya sa nangyare. Sinubukan namen na ipaulit ang medical dahil
ayon sa aking asawa ni hindi man lang daw sya ineksaming mabuti,
samantalang may tama sya sa mukha, malaking pasa sa likod at mga bukol
sa ulo bunga ng mga suntok. Bumalik ako sa Baranggay Plainview upang
magblotter din dahil sa unang blotter na ginawa hindi nabanggit na
nabugbog ang asawa ko at madalas din itong mapadaan doon dahil sa
pagpasok, para na din sa kaligtasan ng aking asawa.

Tatlong araw hindi nakapasok ang aking asawa at habang tumatagal
unti-unting naging malinaw sa aking ang lahat dahil na din sa mga
taong nakakakilala sa mga nakasagupa na aking asawa. Sinasabeng ang
lalaking naka-single na motor, ang baranggay tanod na kaangakas niya
at ang mga bumugbog sa asawa ko ay magkakamag-anak at ang iba ay hindi
mga baranggay tanod, na naging lalong mabigat sa aking kalooban, dahil
ni hindi man lang inawaat ng mga rumespondeng barangay tanod ang
pang-bubogbog na naganap.

Bukod pa dito, sinubukan kong kuhain ang medico legal ng asawa ko, ang
nakasaulat lamang doon ay ang tama sa tuhod bunga ng pagkakadapa at
konting gasgas sa dibdib, ni wala man lang nabanggit na maraming bukol
sa ulo sa at ang tama sa gilig ng kanan na mata. Sinubukan kong
manghingi ng payo sa mga tao sa hospital, antayin ko na lamang daw ang
doktor ang kaso sa Biyernes pa ang muling duty nito. Paano ko po
mapapatunayan pa na maraming tama na tinamo ang asawa ko kung
paglilipasan na ng panahon ang pagtingin dito.

Gusto ko pong manghingi ng payo, kung ano po ang legal na aksyon na
maari kong gawin. Nais ko po sanang matawag ang pansin at magising ang
mga barangay tanod na abuso sa kakarampot na kapangyarihan. Imbes na
maging taga-pamagitan ay siya pang pinagkukuhan ng lakas ng loob ng
ibang tao para makapanakit sa kapwa ang mang-agrabyado.

Maraming salamat po sa inyong oras at sa pamamgitan ng email na ito ay
magkakaroon ng kasagutan ang aking mga katanungan.

More power and God bless!

2physical injury? Empty Re: physical injury? Mon Jun 13, 2011 10:27 pm

rchrd

rchrd
moderator

Diretsohin nyo na lang po si Mr Tulfo para makiusap na unahin ang kaso ninyo. Time is of the essence for your assistance and we cannot immediately respond to your needs. Siguradong maraming kakilala si Sir Tulfo na makakatulong sa inyo pati na rin sa legal advice. Your friend and her family's safety is very important so avoid unnecessarily disclosing your plans to other people. If you are a Christian, lead her in prayer. God bless.

3physical injury? Empty Re: physical injury? Wed Jun 15, 2011 6:25 am

MYAMSON


Arresto Menor

she did not disclose any plans to anybody aside from me, she asked help from me re this.What legal actions can she take while waiting for tulfo's response

4physical injury? Empty Re: physical injury? Thu Jun 16, 2011 12:16 am

attyLLL


moderator

myamson, you just disclosed her plans to the whole world. you even included her name in your post. if he is unable to identify the persons who mauled him, not even the media can help him.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

5physical injury? Empty Re: physical injury? Thu Jun 16, 2011 1:31 am

MYAMSON


Arresto Menor

oh you mean the email that she sent,oh i am so sorry for being stupid and exposing it this is with her permission before i posted it because she said she can't register...i'm sorry for my stupidity,i just have the intentions of helping her and she mentioned that she sent email to above mentioned

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum