Good day po ulit atty. Plan po magtayo ng computer shop ng kumpare ko (10 units), kukuha po sya ng Barangay business permit, ang amount po na sinisingil sa kanya is 250 pesos, at bukod pa po dun 250 pesos ang singil per unit ng computer... Para po kasi may mali sa patakaran atty, eh ang sistema po di po ba ang may bayad lang eh yung Barangay business permit to support for the mayor's permit, eh bakit po may singil pa na 250 pesos per computer unit? Discretion po ba ng Brgy captain or utos ni Mayor? At saka po nagtanong ako sa kakilala ko na may internet shop na karatig barangay lang eh ang singil lang sa kanya for the Barangay business permit is 50 pesos... Bakit po kaya ganun atty? May corruption kayang nangyayari sa isang barangay? Kasi hindi pareho ang singil pero parehong internet shop ang business...
Maraming salamat po....