Matagal ko na pong hinihingi yung brgy. business clearance, more than 1 year na. Pero nung nakaraan buwan ko lang pinilit kasi kelangan ko talaga. Sabi nya sa akin, okay lang mag operate daw kami kahit walang permit nung 4 units/pc pa lang, ngayon more than 10 units na. Sinabi pa nya sa akin, di daw sila na issue ng business clearance. Pero hinihingian ako sa munisipyo ng brgy business clearance bago ako bigyan ng business permit. Isang buwan na ako pabalik balik sa barangay hall. Sabi nya sa akin bibigyan nya na ako ng brgy business clearance sa sunod na araw then pag balik ko, nagbago na naman isip. Ngayon, sabi nya sa amin. May nagreklamo daw na magulang ng mga bata kaya di kami binibigyan. Kaso, di naman sa amin masabi kung ano ang dahilan at kung sino. Wala ring nag inform sa amin dati na may nagrereklamo. Sabi ko nga po sa kanya, ipapaopen ko yung kaso sa amin. Pero wala pa din siya ginagawa. Sabi nya sa akin dati, mapameeting siya nung 1st week of july sa purok namin kung ok lang ba na bigyan kami ng permit pero di rin naman nya ginawa. Ngayon, sa monday daw mapameeting sya ulit, july 31(kahit di naman nangyari dati). Sa tingin ko po, di kami binibigyan ng permit dahil sa sinusuportahan namin ang kalaban nyang partido. Ano po ba ang pwede kong gawin?