Kami ay pamilyang nangungupahan sa isang 3 storey-apartment bldg. Sa itaas po nakatira ang may-ari, ung kapatid ko at asawa't anak nya sa gitnang floor at kami po ng tatay at nanay ko sa ibabang floor. Almost 1 year na kami sa apartment at ung kapatid ko ay halos 2 years na nakatira dito.
Isang araw po nalaman namin na ung may-ari (na mag-isang nakatira sa taas) ay nilooban daw sya nung minsang iwanan nya ung bahay nya. Ang kanyang claim ay hindi daw kumahol ang kanyang aso kaya kilala daw ung nagnakaw. Nalaman namin ung insidente the day after dahil nagpatawag sya ng pulis at kami ay tinanong tungkol sa nangyari.
Ngayon po ay pinapaalis kami ng may-ari dahil daw suspect kami sa nangyaring panloloob. Samantalang wala kaming nalalaman sa nangyari. Masama daw po ang loob nya dahil hindi daw namin binantayan ang bahay nya.
May basehan po ba ang pagpapaalis sa amin dahil lamang doon?
Ano po ang pwede kong gawin dahil ang sabi po ng may-ari ay pinapasurveillance nya ang tatay ko? Sinasabihan nya pa kami na baka daw bigla kaming damputin ng pulis. Ito po ba ay isang uri ng harassment?
Ano po ba ang maaari naming gawin dahil naaapektuhan ang pamumuhay namin sa mga paratang nyang walang katotohanan at walang basehan?
Ayaw naman po namin umalis sa apartment hanggang hindi namin nalalaman kung sino talaga ang nanloob sa kanya dahil hindi tama na pati kami ay pinagbibintangan nya.
Maraming salamat po.
Oliver
Baguio City