2 po kaming magkapatid panganay po ako ang nanay at tatay ko po ay hiwalay na pareho po silang may asawa na iba yung nanay ko 3 anak sa labas yung sa tatay ko po dalawa yata, yung stepfather ko po patay na rin yung tatay ko naman po ay matagal na kaming inabandona 12 years na po namin syang di nakikita or nakakausap, pero hindi po sila legally separated ng nanay ko.
ang problema ko po ay ganito :
namatay po yung nanay ko nung isang taon sa abroad naiuwi na po ang bangkay nya pero di pa rin namin nakukuha ang benefits, wala po siyang iniwan na last will and testament, ang sabi po sa akin ng dfa at owwa ay hanapin ko daw ang tatay ko para makuha namin yung benefits, parang napaka unfair naman po sa aming magkapatid kung kami pa ang mag eeffort para hanapin sya gayun na matagal nya na kaming inabandona, saka paano nga po pala hahati hatiin samin yung pera dahil sa pagkaka alam ko po ay hindi pwede na walang makuha ang mga kapatid ko sa labas, ano po ba ang maipapayo nyo sa akin? maraming salamat po