Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Is this agency contract is valid

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Is this agency contract is valid Empty Is this agency contract is valid Sat Apr 30, 2011 5:26 pm

novie_john


Arresto Menor

Sir musta po,

Tatagalugin ko nalang po ito at sana po mabigyan po ninyo ako ng advice after,mabasa ninyo ito.

Nung DEC. 28, 2010 hangang FEB. 28, 2011 ang first contract kopo na napirmahan at natapos sa isang agency na nagtratrabaho ako bilang isang "APPLICATION SUPPORT SPECIALIST" bali po sakadahilanang pinakiusapan po ako ng manager(Cient) ko dito sa isang goverment na client po ng aking agency napilitan po ako mag extend ng isa pang contract na two months po ulit and date po ay MARCH 1, 2011 hanggang APRIL 30, 2011 sa makatawid po tapos napo ako, numg APRIL 29, 2011 po na bigay ako ng isang formal resignation letter na na nakasaad na ayaw ko napong magextend pa ng contract at ayaw ko ng mag sing ng new contract kung papipirmahin nila ko nakasaad din po dito ng ang resignation ay notice for 30day, ang tanong ko lang po sana dahil sa may nabasa ko sa contract na dati kong pinirmahan which is hanggang April 30,2011 nalang po ay ito po ang nakalagay

10. Prior to the expiration of this CONTRACT, should CONTRACTOR resign, withdraw or abandon the work to the prejudice of (NAME OF THE AGENCY), and/or the Company, the Contractor agrees to be held liable for the damages incurred, in the amount of ONE HUNDRED THOUSAND PESOS.

pagkatapos po neto ay sa number 23 po ang nakalagay naman ay.

23. This a agrement shall be take effect on March 01, 2011 up to April 30, 2011.

ang sakin lang naman po sir kaya po na give ng 30 days para po makahanap sila ng kapalit ko at maiturnover kopo yung work ko, at sa pag kakaalam ko po sinabihan narin sila ng manager ko sa client na ihanap nako ng kapalit before palang po ko mag resign, ano po ba ang kalagayan ko maaari po ba ko nilang bigyan ng charges at pag bayarin ng ganon halaking halaga. wala po kong pag kukunan ng ganon kaya lang po ko nag resign dahil tapos na ang contract ko ayaw ko ng mag renew at for carreer movement.

Salamat po.

2Is this agency contract is valid Empty Re: Is this agency contract is valid Mon May 02, 2011 9:21 am

tsi ming choi


Reclusion Perpetua

Hinde kana empleyado ng agency, your employment status is terminated pagkatapos ng April 30, 2011, base ito sa status mo bilang "contractual employee".

Yung 30 day notice has no effect with respect sa duration ng contract mo, this will not impliedly extend your contract with the agency for another 30 days after the expiration of your contract.

Yung "charges" naman for the 30 days depende na yun sa agency kung bigyan ka pa nila or hinde na, take note na ang contract nyo is until April 30, 2011 lang. HInde mo mapilit ang agency na bayaran ka sa service mo sa loob ng 30 days to turn over or to train ng kapalit mo.(just in case ikaw pa mag train for them)

HInde ka nila pababayarin ng ganung halaga. yung nakasaad sa "10" ay para lang yun kung ikaw na walang valid or matinong reason na nag resign, nag withdraw or inabandona ang trabaho mo sa loob ng inyong contrata. Yung pagbigay mo ng resignation letter is a valid reason kasi dumating na ang termino ng contrata nyo as a sign of respect sa employer/agency. Afterall, ayaw mo na rin mag renew diba?

3Is this agency contract is valid Empty Re: Is this agency contract is valid Mon May 02, 2011 10:34 am

novie_john


Arresto Menor

Maraming salamat po salahat ng pinigay ninyo sakeng mensahe malaking tulong po ito. May huling tanong po ako yung date po kasi ng resignation ko at yung araw na nag submit ako ng resignation ay APRIL 29, 2011 po ng hapon meron pa po ba silang habol dun kasi po ang termino ng contract ko ay APRIL 30, 2011 papo at nabanggit ko saking sulat ay I deliver my resignation starting today and this will be 30 days notice. Sa tingin nyo po may habol pa sila doon? salamat po ulit ng marami

4Is this agency contract is valid Empty Re: Is this agency contract is valid Mon May 02, 2011 1:20 pm

tsi ming choi


Reclusion Perpetua

Did the agency accept the resignation letter without any objections? if wala then, Wala ng habol ang agency sayo, they are estopped and they cannot compel you to work for that one day (April 30,2011) or beyond your agreed duration in the contract of employment, otherwise, that is an involuntary servitude which is prohibited under the consti.

With respect sa 30 days notice naman, that is only a capricious and whimsical exercise of management policy, bear in mind that it is an obligation of the agency to train their prospective employees and that obligation cannot be shifted to YOU as their employee.

Baka nasa mind mo is that since you tender your resignation a day before the date of termination, pwede pa ma extend ang work mo for another 30 days because of the "30 days notice", well, that is wrong because:

1. The duration of Your employment contract will always prevail, kasi nga contractual employee ka.

2.Hinde ka pwedeng pilitin na mag trabaho pa for that extension.

3. HInde kana pwedeng habolin pa ng agency otherwise, ma violate nila ang duration ng contractual employement nyo. Sila pa ang magbabayad sayo.

Lastly, kahit hinde ka na mag tender ng resignation letter, still, terminated na rin yung pagtatrabaho mo kasi nga nagbabase lang ang employment mo sa contract.

5Is this agency contract is valid Empty Re: Is this agency contract is valid Tue May 03, 2011 2:33 pm

novie_john


Arresto Menor

Salamat po ng marami, kung sakali po bang hindi nako pumasok need ko papobang mag clearance sa agency.

Salamat po ulit

6Is this agency contract is valid Empty Re: Is this agency contract is valid Tue May 03, 2011 9:56 pm

tsi ming choi


Reclusion Perpetua

hinde na, unless sa bago mong trabaho kailangan ng certificate of employment from your previous employer.

7Is this agency contract is valid Empty Re: Is this agency contract is valid Thu May 05, 2011 7:30 pm

novie_john


Arresto Menor

Gud day po sanyo, dumating na nga po ata yung kinakatakutan ko, MAY 2, 2011 dahil sa pagkakaroon ng problema sa trabaho na usap po kami ng aking manager. Eto pong manager ay client ng agency upang maiwasan namin ang pagkakaroon ng sisihan regarding sa trabaho ng decision napo ang boss ko na mag request ng immediate replacement para sakin, dahil po sa alam ng boss ko na nagresign nako she ask po kung ano na ang status ng resignation ko. Dahil po sa wala pang feedback galing sa agency ko ang sabi nya sakin ay pwede nakong hindi pumasok dahil nga po sa may iba na syang pinahawak ng trabaho ko at yun nga po medyo nawalan na sya ng tiwala sakin ang sabi ko baka habulin po ako ng agency ang sabi nya di daw mangyayari yun dahil she will support by letter kung ano po napag usapan namin. Ang problema ko po kanina nung bibili ako ng tubig ng baby ko pag inquire ko po ay walang laman ang ATM ko hindi po pumasok ang huling sweldo ko. Kaya po ng decision ako na tawagan ang acct. dept. ng agency namin ang sabi po sa agency nag pasweldo na sila pero po yung sakin pinahold daw ng AREA manager. Syapo ang may hawak ng area kung sakin ako namamasukan. Pinipilit ko po sya tawagan sa cell nya para malaman ko kung bakit nya po ginawa yun pero di kopo sya macontact. Ang tanong kopo tama bang gawin nya yun at maari ko po pabang makuwa ang sweldo ko ano po ba ang tamang gagawin ko kung sakaling di ko makuwa ang sweldo ko.

Maraming salamat po salahat.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum