Please be informed that due to the decrease in the volume of transactions being handled by your account, we are placing you on temporary lay-off from your duties and responsibilities as a ________ for a period not exceeding six (6) months.
Your temporary lay-off shall start on Aprill 11, 2011 and will last until such time when your immediate superior, within the six-month maximum period and considering the demands of the account, recalls you to resume your duties.
During this period of temporary lay-off, your work shall temporarily cease and you shall not report for work nor be entitled to receive any compensation.
In the event that you will not be reinstated at the end of the six-month period, your employment with the Company shall be terminated and you shall be paid a separation pay equivalent to one month basice salary or one month basic salary for every year of service, whichever is higher, with the fraction of at least six months considered as one year.
--Hi, this is a copy or rather what was stated in the copy i received from my employer last Friday, April 9, 2011. I did not sign the document as I don't feel comfortable in doing so since I still have a lot of questions that a normal filipino citizen would have if they are not familiar with the run around of legality when it comes to employment. Moreover, the third paragraph is the biggest question in this document and it does not sound rightful enough. I hope I would be enlightened by the folks here in this forum as on what to do and what steps I can make against this company.
Sa account po namin (btw, isa pong call center/bpo ang employer ko) 4 kami na-serve-an ng ganitong letter on that very day of 04/09/11. On the spot po ito although we knew it was coming dahil na umpisahan na po nila sa upper management. 3 years na po this may ang tenure ko sa company kaya mahirap tanggapin na basta2 nalang kami mawawalan ng trabaho ng dahil sa needs ng client. matatanggap naman po sana namin kahit papaano kung sana man lang kahit sa huli ay ibigay sa amin ang nararapat na samin sa ilang taong pag seserbisyo namin sa kumpanyang ito. as stated po dun sa 3rd paragraph; kung ayaw namin mag resign at gusto namin makuha ang separation pay thats due to us kelangan po namin antayin ang 6mos timeframe na inilaan nila pero wala kami makukuha during the lay-off period. in reality alam naman po natin na walang nasa matinong pag iisip na tao ang gagawa nyan dahil hindi naman ho nakakabusog at nakakapagpaaral ang loyalty ng isang empleyado para makuha ang ipinaglalaban namin. at kung 22usin kaya na namin ito bunuin (yung separation pay) pag naghanap na kami ng kapalit na trabaho within 6 mos time din. ang sinabi ng HR samin na benefits na mag reremain during those period na laid off kami is hindi mapputol ang healthcare benefits at magagamit ang SL/VL na nacredit na samin. by default kada start ng year meron kaming 5 SL at 5 VL then the rest ine-earn siya pero pano ka makakapag earn kung hindi ka nag ttrabaho lalo na sa policy nila na no-work no-pay sa status namin. magamit man namin ang SL/VL, hindi naman ho enough un para sa 6 mos na gusto nilang ipag antay namin.
napakatalino ho ng kumpanyang ito. lahat ng panggugulang gagawin upang makaiwas lang sa paglalabas ng pera. Inacquire kami ng isa pang kumpanya at dinadala na namin ngaun ang pangalan ng nag acquire samin. wala naman hong kaso don kasi hindi naman ho nag zero ang tenure ng mga empleyado during that acquisition pero ngaun ganito ang gnawa nila sa ilang mga officers sa kumpanya. wala ho akong ideya kung ilan pa sa ibang accts ang sinerve-an nila ng temporary lay-off letter pero ang alam ko e lahat kami ganito ang kapalaran. hindi naman din kasi basta2 lang ang tenure ng mga taong sinibak nila mababa na ang 3 taon at may tataas pa ng 5-6 years kaya ito ang nakikita kong rason kung bat nila ginawa ito. napakaraming loop holes at mga katanungan na obviously ay hindi nila naisip bago nila kami sisantihin sa trabaho. una na ang mga loans namin sa pag-ibig, sss at citibank na thru employer lahat binabayaran. hindi nila nasagot nung friday kung papaano ang sistemang mangyayari ngaung hindi kami mag-eearn. tulad ng sino ang magbabayad, kung walang magbabayad pano ang penalty na mag aacumulate pag hindi nakapagbayad? sino ang mananagot non? at kung makuha man ang separation pay, 1 kaltasan lang ba ang mangyayari na pagbayad sa mga loans? papaano ang may mga utang na 50-70k sa Citibank? Eh hindi naman namin lahat ito GINUSTO. buti sana kung dahil sa performance ang pagka sisante samin eh hindi naman eh, WALA TALAGA SILANG BALAK NA MAGEXTEND NG TULONG SA MGA TAONG TINANGGALAN NILA NG TRABAHO!!!
nagsipuntahan na po sa NLRC, yung iba sa DOLE ang mga naapektuhan nitong gnawa ng kumpanya na ito. at talaga naman pong susuporta ako sa kanila dahil lahat tayo ay nagtatrabaho sa iisang rason: ang mabuhay ang mga pamilya natin! eto lang po ang mga questions ko:
1. legal po ba ang ginawa nilang temporary lay-off without compensation?
2. tama ba na i-cease nila ang employment namin ng maraming pending questions at wala kaming mga linaw sa ibang bagay na ultimo sila ay walang ideya? (ex: pagibig/sss/citibank loans issues..)
3. wala po bang kaso kung susuporta ako sa mga empleyadong pumunta sa NLRC at sa DOLE? may nabasa kasi ako dito na hindi pwedeng mag "shopping" yung tipong nagsampa ka na ng kaso sa NLRC pati sa DOLE e gagawin mo rin. sakop po ba ito ng technicalities kung sakaling gawin ko ito?
4. may nabasa rin po ako about sa 30 days notice na dapat ibigay ng kumpanya sa empleyado bago gawin ang pag lalay-off, wala kasing ganung nangyari sa amin. nung friday kami kinausap tungkol sa sitwasyon at dun din ibinigay on the spot yung documento na pinapapirmahan samin. ano ang epekto nito kung hindi ito nagawa ng kumpanya?
5. nabasa ko na mayroong tinatawag na "constructive dismissal"..
Constructive Dismissal concept
Constructive dismissal is an employer’s act amounting to dismissal but made to appear as if it were not – a dismissal in disguise. In most cases of constructive dismissal, the employee is allowed to continue to work, but is simply reassigned, or demoted, or his pay diminished without a valid reason to do so.
Constructive dismissal does not always involve forthright dismissal or diminution in rank, compensation, benefit and privileges. There may be constructive dismissal if an act of clear discrimination, insensibility or disdain by an employer becomes so unbearable on the part or the employee that it could foreclose any choice by him except to forego his continued employment. (See Hyatt Taxi Services case, G.R. No. 143204, June 26, 2001.)
Constructive Dismissal and Involuntary Resignation
Constructive dismissal is an involuntary resignation resulting in cessation of work resorted to when continued employment becomes impossible, unreasonable or unlikely; when there is a demotion in rank or a diminution in pay; or when a clear discrimination, insensibility or disdain by an employer becomes unbearable to an employee.
based on the definition in this paragraph, atty. pwede nyo po bang ipaliwanag sa akin kung bakit naging legal ang temporary lay off dito sa bansa when that alone will trigger a person/employee to resign and move on dahil unbearable naman talaga ang hindi kumita at makapagtrabaho dahil sa pag-asang makikitaan ka pa ng trabaho ng iyong employer? at bakit kalahating taon? ang isang buwan nga lang na walang kain o ilang linggo eh ikamamatay na ng pamilya mo lalo nat kung ikaw lang ang bread winner. hindi bat parang nag ssugar coat lang ito patungo sa "forced resignation"? baka ho mali lang ang pagkakaintindi ko dito, gusto ko lang ho sana maliwanagan.
alam kong masyadong mahaba ang isinulat ko dito pero ito ang sigurado akong shared feelings at iisang hinanaing naming mga empleyadong nagawan ng ganito. nakakagalit at sama ng loob dahil ang call center na ito ay napabalita na rin dati na nag lay off ng 900 employees at tila walang nagawa ang mga apektado. o baka nagka areglo nalang din sila offline. hindi pa natuto ang kumpanyang ito at umulit na naman sila. HINDI NA KAMI PAPAYAG NA GAWIN pA NILA ULIT ITO SA MGA SUSUNOD NA EMPLEYADO DAHIL HINDI PA TAPOS ANG PANINIBAK NILA. UNAUNAHAN LANG AT MERON PANG MGA SUSUNOD DAHIL INIIBA NG KUMPANYA ANG ORGANIZATIONAL CHART NILA DAHIL SA BAGONG ACQUISITION.
SANA PO AY MATULUNGAN NYO KAMI. MARAMING SALAMAT