8 days ho akong hindi pumasok sa trabaho kasi nagkasakit at may dalawang medical certificate po ako. Kaso hindi ako agad na kapagpaalam dahil nakauwi na po ako sa probinsya at wala pong cellphone signal dun. Nakapaginform ako sa ika-limang araw na.
Una ko pong sinabi ay measles kasi yung ang aming akala nag self medicate lang kami sa bahay. Pagpunta sa doktor upper lung infection na lang ang findings. Sinabihan akong kumuha ng 2nd med cert same parin po ang findings.
Tapos nag admin hearing kami. Sabi nila they are questioning my integrity po kasi sa tingin nila gumagawa lang ako ng palusot.
Pero hindi po kami nakasign ng kahit na anong kontrata o kasunduan. Kaya wala akong kaalamalam kung ilang beses akong pwede umabsent, mga sick leave at etc. Wala po silang business permit, hindi nagbabayad ng Tax, Pag-ibig at Philhealth.
Ano pong pwedeng gawin ko? Halos isang buwan na po akong walang trabaho. Simula nung nagkasakit ako.