Tanong ko lang po kung ano po ba ang dapat gawin. Yung pong bahay at lupa ng Lola ko ay ibinenta sa akin (nasa pangalan ko na po ang titulo) inilapit po iyun ng Tita ko sa isang abogado at tinanong po namin kung kailangan pa ang pirna ng mga anak sa bentahan. Pero sabi po ng abogado according to the papers and documents shown eh, di na raw po kailangan kc itong lupa at bahay ay lupang mana na me bilihan (patay na po ang Lolo ko). Ngayon po laging minumura at pinalalayas ng Tito ko ang Lola ko at isang tiyuhin dun sa bahay na iyon at dine-declare nya po na sa kanya iyun at magkakamatayan daw po, pag kinuha iyun sa kanya. Natatakot po kami sa mga banta ng tiyuhin ko pero naaawa naman po kami sa Lola ko dahil palipat-lipat siya n tirahan eh matanda na po siya! Kailangan po bang ipa-blotter siya? , paano at saan po kaya kami magsisimula? Maraming-maraming salamat po!!!