Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

PLS HELP PO (Reckless Imprudence Resulting to Homicide)

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

yetti


Arresto Menor

Hi po Goodday.
Magpapatulong lang po sana sa process.
May lying in clinic po kami.
Ang namgyare po, may nanganak po sa amin, nagbleed po sia after manganak, nagbigay po kami ng first aid then after an hour nagcomplain sia ng dizziness. Nagpatawag po kami ng ambulance but wala pong available kahit saan kami naghanap.. In the end dmating po ung ambulance after 40-1hr, saka lang po naitransfer ung patient. Pagdating po sa hospital dead on arrival na. Nakalagay po sa death certificate na Hemorrhagic Shock

Ngayon po, nagfile po ng complaint ung husband sa prosecutors office against sa midwife. Triny po namin isettle out of court, nahingi po cla ng 500k.. hndi naman po namin kaya yun, so ang plano is antayin sila na makausap sa may fiscal para sa agreeable amount. pero 3x po cla hndi nagpunta..

Then yesterday, nakareceive po kami ng Resolution from the Prosecutors Office na they recommend the case to go to Court.

Papatulong po sana kami kung ano po ang first step para po sa case? Pede pa po bang masettle at maiyrong ung kaso? Please help po. Grabe na po ang stress namin.. Wala naman pong may kagustuhan sa nangyari at sobrang naiintindihan po namin ung damdamin ng complainant.

Please help po.. maraming maraming salamat po



Last edited by yetti on Thu Oct 11, 2018 11:12 am; edited 1 time in total (Reason for editing : add info)

xtianjames


Reclusion Perpetua

unfortunately, kung hindi willing makipag settle yung complainant dahil ayaw nyo sumunod sa demands nya, wala kayong magagawa para pigilan ang kaso. I would advise mag hire na kayo ng abogado.

Mickey1993


Arresto Menor


Hi po magandang araw po attorney. Hingi lang po sna ako ng advice. Kinasuhan po ako ng dating kumpanya ko ng theft. Gusto ko po sana mag abroad nalang para makaipon at makabayad sa kanila. Hindi ko po gagamitin ang sarili kong passport. Posible po ba na makakuha ako ng bagong pasaporte gamit ang ibang pangalan? Yun nalang po naisip ko para hindi ako mahuli. At makabayad ako sakanila. Salamat po. Godbless

yetti


Arresto Menor

Thankyou po Sir XtianJames.
Pwede po ba na manegotiate pa po yung amount?
Thanku po

xtianjames


Reclusion Perpetua

@Mickey1993
wag na wag mo gagawin yang balak mo at dadagdagan mo lang sakit ng ulo. pag nahuli ka, baka never ka na issuehan ng passport sa buong buhay mo.

@yetti
Ano ang gagamitin nyo bargaining chip para macompel na pababain yung demands ni complainant?

yetti


Arresto Menor

Hindi rin po namin alam Sir Xtian. Pwede po ba namin sabihin na hndi po capable yung midwife namin sa ganung amount? Kung sakali po kasi tutulungan lang talaga namin sia kasi any amount is hndi nya po tlaga kaya..

yetti


Arresto Menor

Follow up question lang po, kelan po kami pwede magbayad ng bail amount? estimated Oct25-30 pdaw po maipafile sa court ung case, pwede po ba kami magbayad ng bail amount kahit wala pang warrant of arrest?

xtianjames


Reclusion Perpetua

once set na yung bail pwede nyo agad bayaran para di na madakip yung nasakdal. if di talaga kaya meet yung demands ng complainant, then wala kayo choice kundi harapin ang kaso. if you can prove naman na walang malpractice na ginawa sa end nyo, pwede kayong maabswelto.

kaya mas maganda talaga na ngayon palang kumuha na kayo ng abogado para mapaghandaan yung case habang maaga at mapatibay ang depensa nyo.

yetti


Arresto Menor

opo, bale kumuha na po sa PAO para kumuha ng atty. Maraming salamt po sir xtian Smile

Yadz


Arresto Menor

Gudday,tanong ko lang po ano po b ang pedeng mangyari sa isang empleyado n my kso bg shoplifter?

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum