Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO HOMICIDE

+6
regil12
ador
ailene2094
raider150
attyesc
hustisya
10 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO HOMICIDE Empty RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO HOMICIDE Thu Jul 17, 2014 12:39 pm

hustisya


Prision Correccional

Hi. I need your advice please. My father is 62 y/o and died last week because of the accident. Tumawid po ang aking Ama sa hi-way at ng nasa gilid na po sya, he was hit by the speedy motorcycle driven by a member of the Phil. Army. Dinala naman po ang aking Ama sa hospital at sa kasamaang palad ay hindi na nagtagal at binawian agad ng buhay dahil sa grabe ng tama sa katawan at sa ulo. Sinagot naman po ng naka aksidente ang hospital bills at pagpapalibing at sa kabuuan umabot po sa halagang P64,000 ang kanilang nagastos. Ang nais po ng aming pamilya ay hindi na ituloy ang kaso at ang kapalit po nito ay pagbayarin  na lang sila ng damages ng naayon din naman po sa tama o legal. Narito po ang aming mga katanungan:
1. Ano po ba ang mga hakbangin na dapat naming gawin para mapagbayad sila ng nararapat? Saan po ba ang tamang lugar para sa pag uusap? Sa police station o sa Korte? Paano po ba namin sila maoobliga na harapin kami sa kanilang mga obligasyon?
2. Ano po kayang damages ang pwde naming hingin o idemand sa kanila? Magkano naman po kaya ang halaga na pwede naming hingin? Malaking epekto po at pasanin sa aming mga magkakapatid at maging sa aming Nanay ang nangyari  sa pagkawala ng aming padre de pamilya.
Sana po ay makapagbigay kayo ng liwanag sa aming mga katanungan. Maraming Salamat po.

attyesc

attyesc
Reclusion Temporal

Assuming na wala ka ng balak ipursue ang case for reckless imprudence, hindi importante ang lugar. Basta meron kayong agreement reduced into writing and signed by both parties and witnesses, pwede na.

Sa halaga ng danyos, pwede kayong humingi ng actual damages. Monthly salary ng father mo x 18 (life expectancy of 80 years old minus 62). Pwede ring moral damages amounting to 20k-50k. Nasa paguusap nyo yan.

raider150


Arresto Menor

Good morning po sir,hingi lang po ako ng advice para sa kapatid ko po,nangyari to nung July 31 10:30 pm Sunday,nkainom po ang kapatid ko ng mga oras na un,pero sa kagustuhan nyang mkauwi ay nag drive sya pauwi ng bahay kakatapos lng po ng malakas n ulan nun kaya basa at madulas ang gulong ng motor n minamaneho nito at biglang sumemplang at nakatama ng isang babaeng edad 22 anyos na naglalakad sa pataas n bahagi ng kalsada namatay po ang babae at ang kapatid ko naman ay sugatan sanhi ng kanyang pagsemplang,dinala ambulansya ang kapatid ko sa pinaka malapit n ospital at nilapatan ng paunang lunas,alam po nmin ung kasalanan ng kapatid ko pero ng nsa ospital na po kmi kahit n wala pang malay ang kapatid ko ay gusto ng i release ng doktor ung kapatid ko at ipahuli n agad sa mga pulis,tama po ba ang ginawa ng doktor n iyon khit n sumusuka ng dugo ang pasyente sa harapan nya ay pinapadala na agad ang kapatid ko sa kulungan?
Dinala po ng pulis ang kapatid ko sa kulungan khit n di pa ntatauhan dhil sa kalasingan at pagka bugbog ng katawan ng kapatid ko at di pa napapa citi scan,at the following day ininQuest n po agad ang kapatid ko at kinasuhan sya ng Recless Imprudence Resulting to Homicide,alam ko nmn po ang pnanagutan ng kapatid ko gusto ko lng po malaman kung ano ano po ang hakbang n pwedeng gwin nmin upang mpawalang sala ang kapatid ko pwede po b kming mag piyansa?pwede po rin bang ma iapply sa kapatid ko ung Probation Law since first time offender ung kapatid ko?kung mkikipag areglo naman po kami sa pamilya ng naaksidente ng kapatid ko at bigalng di pumayag na makipag areglo at ituloy ang kaso ano po ba ang dapat nming gawin? umaasa po ako ng kaukulang kasagutan sa problema ko po salamat po more power po.

ailene2094


Arresto Menor

Good afternoon po! Pwede po pa advice of what to do po. Namatay po ang mother ko last October 2013 dahil nahit po cya ng motorsiklo. She was in coma po for two days before cya namatay. Wala pong ilaw ang motorsiklo ng driver at expire po ang rehistro ng motor. The accuse po never showed po when it happen until nilibing ang mama ko. Hindi din po cla tumulong kahit piso sa expenses po namin. Three years na po at parang hindi po umuusad ang kaso eh clear naman po ang violation nya. The accused was granted a probation po and was allowed a settlement of a total of 95,000 including the bail, payable equally for 18 months. Kahit masakit po, ay umagree nalng po kami pero po they failed the agreement so thats why kinontinue po namin ang case. Ang mas masakit pa po ay may bagong motor po ang nakaaksidente and malaya po cyang nagdridrive upto now. Sana po matulongan nyo po kami of whats the best thing to do po. Thank you!

ador


Reclusion Perpetua

ailene2094 wrote:Good afternoon po! Pwede po pa advice of what to do po. Namatay po ang mother ko last October 2013 dahil nahit po cya ng motorsiklo. She was in coma po for two days before cya namatay. Wala pong ilaw ang motorsiklo ng driver at expire po ang rehistro ng motor. The accuse po never showed po when it happen until nilibing ang mama ko. Hindi din po cla tumulong kahit piso sa expenses po namin. Three years na po at parang hindi po umuusad ang kaso eh clear naman po ang violation nya. The accused was granted a probation po and was allowed a settlement of a total of 95,000 including the bail, payable equally for 18 months. Kahit masakit po, ay umagree nalng po kami pero po they failed the agreement so thats why kinontinue po namin ang case. Ang mas masakit pa po ay may bagong motor po ang nakaaksidente and malaya po cyang nagdridrive upto now. Sana po matulongan nyo po kami of whats the best thing to do po. Thank you!

Go back to court, comply nyo lang kailangan na mga hakbang. Yun lang ang may magagawa kayo maski paano.
YUng tungkol sa pagbili nya ng bagong motor, karapatan nya yun e, tapos yung license nya to drive? yung bulag nga nakakuha ng lisensya sa LTO e. Palakad lang sa fixer tapos na.

regil12


Arresto Menor

Good afternooon po! Hingi po sana kami ng advise kung ano ang dapat naming gawing hakbang.

Nakabangga po ang kapatid ko ng bata 5 yrs old. Nagmamaneho po ng motor ang kapatid ko kaso student license pa lang po angmeron siya. Tumatakbo po siya ng 40kph ng biglang may pumagitnang bata sa kalsada. Nabangga po niya yung bata. Accompanied po ng matanda yung batang naglalakad sa gilid ng kalsada pero bigla pong tumakbo yung bata papagitna kaya nabundol. 1 month pong hospitalized yung bata due to brain injury. Nagkasundo po na tutulong sa finances kaya umabot na po ng 50,000 pesos ang naitulong. Sa kasamaang palad po ay namatay yung bata. Ang ang sabi po ng family ay magdedemanda na po sila . Ano pong magandang hakbang ang gawin namin? Makukulong po ba ang kapatid ko? Bailable po ba ang kaso at magkano po ang bail? Kung makikipagsettle po kami in case pumayag sila, mga magkano po kaya? Maraming salamat po.

xtianjames


Reclusion Perpetua

@regil
komunsulta na kayo sa abogado since kakailanganin nyo yun in case kasuhan ang kapatid mo. regarding makukulong or pwede sya magpyansa ay depende sa korte. kung makikipag settle kayo, ang pamilya ang kausapin nyo since sa kanila nyo ito gagawin.

lesterx


Arresto Menor

Good Day..

Tanong ko lang kung paano po dapat gawin

Naaksidente ang aking bayaw(nakamotor)PATAY na po siya, na bundol siya ng lasing na driver ng jeep, may pending po na case sa korte at AKALA namin nakaimpound ang JEEP niya pero laking gulat namin at ngayon ay namamasada na ang jeep. Talaga po bang binabalik na ang sasakyan na naimpound kahit ito ay may pending case pa?

xtianjames


Reclusion Perpetua

depende po. kung pinayagan release ng korte eh makukuha nila ang sasakyan. wala ba kayong abogado? pwede nyo sa kanya check kung ano ba talaga ang nangyari.

Shaolin


Arresto Menor

Good day .

Gsto ko lng po humingi legal advice regarding po s kaso ng pinsan ko. Nagddrive po sya ng motor last May 4,2017 around 4am po and under influence of alcohol. Then ayun po my nabangga sya n matanda n tumatawid s pdestrian hbang dala dala ung bike hbang papalapit na daw po sya dun sa matanda bumubusina sya pero hindi po huminto yung matanda mejo mabilis po ang takbo nya nun dahil po nasa highway , kya po mahirap mag preno agad agad. At that time sbe ng pinsan ko hnd sya lasing kasi nakapag drive pa po sya from s bahay ng kaibgan nya papunta dun s nirerent nyang bahay and it takes 1 hour po ung byahe. And after ng aksidente ung matanda dinala s ospital ung pinsan ko din po and prehas cla injured un nga lng po eh ung matanda seriously injured .By the time na nangyare yung aksidente and they are both injured yung pinsan ko po ay nasa police station lang hindi man lang po nalinis ang mga sugat o kahit man lng po nabigyan ng first aid. And inside the police station ay nagbigay sila ng 5 thousand para s paunang bayad dun sa gagastusin sa ospital. But after 2 days namatay po yung matanda at nanghihingi na po sila ng 100 thousand nung una pero dahil po walang kakayahan magbigay po yung mga pinsan ko ng ganung kalaking pera Bali ang nangyari po ay nagbigay ng 45 thousand dun sa pamilya nung namatay bilang tulong financial pra dun s funeral service at meron silang kasulatan dun at my pirma ng asawa nung namatay. pagkatapos po nun ay patuloy na nagttrabaho po yung pinsan ko dahil pra mga po mapunan yung kulang sa 100 thousand n hinihingi nila pra mging areglo na pero ang akala po nung pamilya na namatayan ay binalewala na sila kaya pgkatpos po nun eh my pnadala n po pla notice sknla pra po sa unang paghaharap o paguusapa pro hnd po nla ntanggap yun hindi po nila alam ang dhilan kung bakit hindi yun nkarating sa address n binigay nila. Second po nkapunta n cla dhil natanggap na nila yung notice sa hindi nila malaman na dahilan kung bakit that time po eh natanggap na nila. Sumunod po n nangyari ay ngsampa n ng demanda ung kbilang pamilya. hnggng s hindi nkapg bigay agd ng bail yung pinsan ko after 2 days nya matanggap yung notice na he has to pay 30 thousand charged dun s kaso nya po na reckless imprudence resulting to homicide nakapaglabas n ng warrant dnampot po sya ng mga pulis which is naka civilian lang daw po at ang nangyare po ng pagdampot sakanya ay parang sinet up po sya na kunwari yung asawa po ng nabangga nya ay hahanapin sya dun sa trabaho nya at yun nga po nung tinawag ang pinsan ko dahil my naghahanap daw sakanya n babae at ayun po tska sya kinuwelyuhan ng pulis at pinosasan. Nakulong po ng 7days after po nun ay naibenta na po yung bahay nila pra po sa 30 thousand na ipang bail at nakalabas po sya last July 11, 2017 po. Tnry po nla mkipg areglo dun s pamilya pro hnd po nla tnatanggap. Both parties po ay galing s PAO ang atty. Ang sabi po nung atty. na my hawak ng kaso ng pinsan ko ay wag na daw po mag offer ng areglo dahil palagi lang po sila tinatanggihanZ Ngayon po s aug 14 daw po ung unang hearing. Ano po ba ang dapat gawin ng pinsan ko? Hnd nya po kasi alm kng anung mangyayari during the 1st hearing. Anu po b mga possible n mangyari sa araw ng unang hearing? Mkkulong n po b sya agad that day if he found guilty or it takes time po pra mkulong sya ulit? Willing nmn po sya umattend at ituloy ang mga hearings. Natatakot lang po tlga sya makulong ulit dahil sa loob daw po ay pinahihirapan sila ng pulis. Pinapalo ng yantok ang mga kamay at tsaka magpunpings araw araw. At after nya din po pala makalaya pgkatapos nila mag bail ay hindi na po sya mkapag trabaho ulit dahil sa natatakot po sya na baka po balikan sya nung mga pamilya nung namatay. Is it possible po ba na humingi kami ng protection na if ever po my mangyare sa pinsan ko eh liable yung kabilang pamilya? Para naman po makapag trabaho yung pinsan ko habang naghihintay ng schedule pra sa mga hearings nya. Please give us some advice po. Gusto na po kasi ng pinsan ko maging normal yung takbo ng buhay nya dahil simula po nung nakalaya sya hindi na po sya lumalabas ng bahay at hindi na makapag trabaho dahil sa natatakot po syang makulong ulit. By the way po nadismiss pla ung kaso nya regarding s driving with influence of alcohol due to lack of proof. Breath test lng daw po ang ginawa sakanya.

Linger


Arresto Menor

Good day. Would like to ask for your kind advise regarding below.

Ang asawa ko po ay driver sa isang bus company. Nangyari po ang aksidente two years ago nang makabunggo po ang minamaneho nyang bus resulting to death of 3 people na pasahero ng isang private car. Nakainom po ang driver ng private car. At hanggang ngayon po ay dinidinig pa rin ang kaso. Gusto lang po namin humingi ng advise dahil hanggang ngayon po ay hindi pa rin namin alam kung ano ang kahihinatnan ng kaso. Ayaw po sana naming makulong ang aking asawa dahil napakabata pa po ng anak namin at nagsisimula pa lang ang aming pamilya. Gusto ko po sanang magkaron man lamang ng idea. Ang mga ganito po bang kaso ay maaaring hindi mapatawan ng parusang pagkakakulong? Or kung ano po ang pinakamabigat na parusa sa mga ganitong uri ng kaso. Kailan po kami pwedeng mag-request for probation para lang po hindi makulong ang aking asawa? Meron pa po bang ibang paraan para hindi sya makulong at kahit papaano ay mabigyan din naman ng kapayapaan ang mga pamilya ng nawalan? Maraming salamat po.

xtianjames


Reclusion Perpetua

@Shaolin
since meron atty na naghahandle sa kaso ng pinsan mo, mas maganda na sa kanya kayo dumulog.

@Linger
since ongoing pa ang kaso, tanging ang korte ang makakasagot sa regarding sa hatol. wala ba atty yung asawa mo? if meron i would also suggest na sa kanya ka sumangguni since sya ang mas nakaka alam ng kaso.

Linger


Arresto Menor

Thanks for your response. Gusto ko lang po sanag magkaron ng idea para bago ako makipagusap sa lawyer na humahawak ng kaso ay may kauntung background na ako .
Would really appreciate your inputs. Thank you

xtianjames


Reclusion Perpetua

background tungkol saan?

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum