Good morning po sir,hingi lang po ako ng advice para sa kapatid ko po,nangyari to nung July 31 10:30 pm Sunday,nkainom po ang kapatid ko ng mga oras na un,pero sa kagustuhan nyang mkauwi ay nag drive sya pauwi ng bahay kakatapos lng po ng malakas n ulan nun kaya basa at madulas ang gulong ng motor n minamaneho nito at biglang sumemplang at nakatama ng isang babaeng edad 22 anyos na naglalakad sa pataas n bahagi ng kalsada namatay po ang babae at ang kapatid ko naman ay sugatan sanhi ng kanyang pagsemplang,dinala ambulansya ang kapatid ko sa pinaka malapit n ospital at nilapatan ng paunang lunas,alam po nmin ung kasalanan ng kapatid ko pero ng nsa ospital na po kmi kahit n wala pang malay ang kapatid ko ay gusto ng i release ng doktor ung kapatid ko at ipahuli n agad sa mga pulis,tama po ba ang ginawa ng doktor n iyon khit n sumusuka ng dugo ang pasyente sa harapan nya ay pinapadala na agad ang kapatid ko sa kulungan?
Dinala po ng pulis ang kapatid ko sa kulungan khit n di pa ntatauhan dhil sa kalasingan at pagka bugbog ng katawan ng kapatid ko at di pa napapa citi scan,at the following day ininQuest n po agad ang kapatid ko at kinasuhan sya ng Recless Imprudence Resulting to Homicide,alam ko nmn po ang pnanagutan ng kapatid ko gusto ko lng po malaman kung ano ano po ang hakbang n pwedeng gwin nmin upang mpawalang sala ang kapatid ko pwede po b kming mag piyansa?pwede po rin bang ma iapply sa kapatid ko ung Probation Law since first time offender ung kapatid ko?kung mkikipag areglo naman po kami sa pamilya ng naaksidente ng kapatid ko at bigalng di pumayag na makipag areglo at ituloy ang kaso ano po ba ang dapat nming gawin? umaasa po ako ng kaukulang kasagutan sa problema ko po salamat po more power po.