Kahapon po nag check ako ng status sa prosecutors office kng kanino prosecutor natapat at kung kailan ang first hearing. Nalaman ko naman po kung kanino prosecutor, pero ang naguluhan ako ang sabi po ng clerk na may memorandun na daw po na pag maliliit na kaso tulad ng aking sinampa na LESS serious physical injury wala na daw pong mga hearing, deretso resolution na daw po ito.
Ang tanong ko po, sapat na po bang medico legal ko lang ang naka attach dun sa aking reklamo? Hindi ba ito madidimiss dahil pati salaysay ng aking testigo ay hindi hiningi. Ano po ba ibig sabihin ng "resolution" na agad? Ibig bang sabihin di na kami maghaharap ng respondent sa piskalya? Pls enlighten me. Maraming salamat.