Ako po ay isang seaman. Sa unang contrata ko po sa aking trabaho noong 2008 ay may nag alok po sa amin na lupa sa isang subdivision dito sa bulacan, naconvince naman kami and we decided na kumuha na hulugan. Since na nasa work ako nang nangyari ang decision, mrs. ko lang ang nagasikaso sa lahat. Natapos naman naming hulogan within 2 years na ang tanging hawak lamang na documents ay ang computation sheet na may terms of payment, reservation agreement na may mga pirma naman ng ahente, at SPA para sa DEED OF SALE sana, at hindi naasikaso pa.
Samakatuwid, sa buong pag aakala ko na Ok na ang lahat, kompleto ang mga documents, hindi pala.
ano po ba ang mga kailangang maprocess na mga proper documents sa buyers side at developers side before and after purchasing a lot?
at ano po ang mga pwede ko gagawin kung pwede pa para maayos ang lahat ng pinaghirapan ko? Salamat po sa mga advice. . . More power sa inyong lahat!