Una po gusto ko po sana ituloy as voluntary member ang SSS ko. Matagal na po nung huli akong naka pag work mga 20 yrs ago pa. 3 company po yon na tig 6 months pero nung mag check po ako 1 month lang po ang naging hulog ko. Hindi ko na po ito naasikaso ng matagal na panahon kasi po naging busy po ako sa pagpapaaral at pag intindi sa 2 kong anak at sa magulang ko. Ngayon po nagtitinda tinda po ako damit etc.. Sabi po ng bunsong anak ko na kakatrabaho lang tutulingan daw po nya ako maghulog ng SSS ko. Liliwanagain ko rin po na nahiwalay na po ako sa asawa ko. Inaalala ko po kasi baka di pumayag ang SSS na makapaghulog ako.Ano po kaya ang magandang sabihin para po mapayagan ako na makapag hulog. At kung sakaling mapayagan ako pag namatay po ba ako ang beneficiary ko pa rin ba ang asawa ko eh ang tagal napo namin na hiwalay.
Pangalawa po,sa kagustuhan ko pong kumita nag AVOn dealer po ako.Meron po akong mga na recruit at naging under ko .One time po dadalhin ko po ang pamyad ko at 2 kong tao na na nagkakahalaga ng 14 K .Di po nakarating ang manager namin sa meeting place sa pagod ko po nakatulog po ako sa bus. Nanakaw po ang pera. Makakasuhan po ba ako ? ano po ang makakaso sa akin. Ang ginamit ko po na ID doon ay yung passport ko. tawag po sila ng tawag na magkakaso na daw sila. Pwede po ba itong maging estafa.
Pangatlo,dati po pinayagan ako ng asawa ko na mag credit card ngayon po bigla siyang nawala at di na po nabayaran ang credit card siguro po umabot ng 60k .Ano po kaya ang pwedeng mangyari doon.
Pang apat po. Meron po sa akin kumukontak na kaibigan ng other woman ng father kona namatay na meron daw pong naiwan na land title ang babae nya sa father ko. By accident recently po nakita ko ang Tax Declarations . Siguro po mga siyam ito sa ibat ibang pangalan ng babae at mga kapatid nya. Kasma pa sa documento ang last will and testament ng ina ng babae. Andoon din po ang deed of sale ng lupa ng father ko. Dapat ko po ba ibigay ang tax declarations sa friend ng babae ng father ko? Kung ibibigay ko po sa kanya dapat po ba merong kasulatan. Sabi nya kasi isa na lang daw ang living brother ng babae at nasa US bedridden na. Nalaman ko po na ang pera na pinagbentahan ng 122 acres na lupa ng father ko nung 1980's ay sa other woman pala napunta lahat .Ginamit nya ng sya ay mag abroad . Pwede ko po ba masingil ang halaga na yon sa kanila. lalo at madami pong naiwan na utang ang father ko.
Panglima po. Ang Ninang ko po ay meron 280 sq meters na bahay sa Marikina City. Sabi nya yung pinaka main house daw po ay binibigay nya sa akin .Paano po ba ang gagawin para po siguradong mapunta ito sa akin. Ano po ang tamang proseso, Yung po kasing extension sa apo daw nya.
Maraming Salamat po sa makababasa at makakatulong na makapagibigay ng nararapat na advice sa akin. Para po mabawasan ang isipin ko. God Bless po sa inyo.