Ako po si Ayel xxxxx. Nakabili po ako ng maliit na lupa around 500sq mtrs lang po this October 2010. Bali sa 20,000 sq meters na lupa ng Seller eh 500 sq. mtr lang po ang sa akin. Di pa po ito nabibiyak o tinatawag nila ipa survey. so far, ok naman po lahat ng papers, may Extra Judicial (may SPA etc.) at Deed of Sale na po ako, bukas po ipapanotaryo na sa abogado. Sa pagkaka alam ko po before 5th day next month dapat po bayaran ang Documentary Stamp then followed by other taxes. sa Tax Declaration po na hawak ko ngayun nasa pangalan pa po nila, latest po nabayaran ng seller was year 2008... mga tanong ko po.
1. Sino po magbabayad ng year 2009 at 2010 sa Tax Declaration, yung Seller o ako po na Buyer?
2. Anu po ba babayaran ko na tax para mapalitan o maisulat na ang name ko sa Tax Declaration?
3. Dapat po ba ako humingi sa Seller ng copy na prove na binayaran na nila ang Estate Tax?
4.Anu po ba requirements dapat dalhin kung magbabayad ng Documentary Stamp?
5. Do i need to bring a document or something na nag prove na nabayaran na ang Estate Tax ng lupa nabili ko kapag magbabayad po ako sa BIR?
6. Anu po ba requirements dapat dalhin kung magbabayad ng Capital Gain Tax?
7. After po ba mabayaran ng Documentary stamp tax,capital gain tax at ng tax dec ano-anu pa po ba ang babayaran?
8. Pagkatapos po ng taxes, anu po ba dapat ko actionan? as i said earlier hindi pa po nabibiyak yung 500 sq. mtr ko. Anu po ma advice nyo?