Nag file ako ng Annulment before, the basis is Psychological Incapacity.
Nabuntis yung asawa ko ng ibang lalake while I was in Cebu. And pagbalik ko, umalis na sya sinama nya yung anak ko and lahat ng gamit and umuwi sa kanilang bayan sa batangas. After a few months, nanganak sya so I filed for an annulment. May dalawa na syang anak ngayon and living together with the man (yung tatay nung mga anak nya ngayon).
I'm curious kasi lack of evidence daw and sabi ng judge to think na pati birth certificates ng anak nya sa ibang lalake is na provide ko and nagtugma sa statement ko yung dates ng birthday etc. Now parang ang lumalabas eh ang court dito sa amin, is itatali ka sa isang tao na hindi mo na mahal or wala ng pagasa na magkabalikan pa kayo. Now yung abogado ko (i think pera lang din habol), is nag file ng motion for reconsideration pero denied pa rin.
It's been more than 8 years since nagkausap kami ng asawa ko at nagkita. 7 Years tumagal yung annulment and laging sinasabi sa kin nung abogado ko is malakas ang laban namin but in the end NG-NGA ang inabot ko.
May alternative way ba para ma pa void ang kasal namin.