I'm a private school teacher po and first work ko ito. LPT rin po ako pero parang sobrang OA ng sistema sa school. First, pagkapirma ko ng kontrata, tsaka lang pinakita ang sched ko na punong-puno. From 8am to 2:30pm ang classes ko with 40-minute break pero we are required to eat inside the classroom para bantayan ang mga bata so habang ngumunguya ka, nagsasaway ka rin kasi pag may nangyari sa kanila, lagot ka. Lahat sa kanila teacher's factor. Second, I am a Secondary Values teacher pero nilagay nila ako sa grades 4-10 READING subject. Third, after my class need ko pa rin magbantay sa mga bata habang wala pa sundo nila for like an hour kasi we are required to do it daw kasi pag may nangyari sa kanila, teacher's factor. Fourth, 8k lang basic salary ko plus 2k for FTA pero I have eight 40-minute classes everyday for 1 week! Hindi po ba overload yun? Fifth, may time na pinapasok kami ng Saturday tapos walang bayad kasi daw monthly basis daw ang salary namin. Pumasok kami ng 8am pinalabas kami ng 7pm! TAPOS WALANG BAYAD yun. No work no pay din kami kaya kahit holiday, wala kaming sahod. Sobrang stressful na po, we need help. Lahat kaming teachers iisa ang reklamo pero walang may gustong maglakas-loob para magreklamo. Lahat po ng teachers bago, with 2-year contract. Nalaman ko rin na every after 2 years bago ang teachers, walang nagtatagal. please help po. 1 month pa lang ako pero gusto ko na mag resign pero may 200k breach of contract