Ako po'y isang guro sa isang pribadong eskwelahan dito sa lugar po namin. Almost 4 years na ho akong nagtuturo dito at nung isang taon eh na regularized na po ako (kasi po 4th school year daw po eh regular kana). Pero every year po kami nagsisign ng yearly contract kahit regular po eh sign pa rin. This year po, sa May 2014 ho kami nag sign ng contract, bago po ang contract at naka indicate po sa new contract namin na kapag magreresign ka during the school year eh magbabayad ka ho ng 25,000.
Wala ho talaga sa intensyon ko na umalis sapagkat napamahal na po sa akin ang school at ang mga katrabaho ko dito. Ang problema ho kasi eh ang asawa ko eh madidistino sa ibang lugar (sa ibang rehiyon po) at lilipat ho sana kami dun ng tirahan kasama ang baby namin. Problemado ho ako na magtratrabaho kapag wala po yung husband ko kasi po walang magbabantay ng bata namin. Di naman po sapat ang kinikita ko or namin para mga hire ng yaya - what's worse is pinapaalis na po kami sa bahay na inuupahan namin at wala po kaming mahanap na malilipatan kundi dun sa bahay ng pamilya nila sa ibang rehiyon. May nahanap naman po kaming ibang bahay sa current city naman pero hindi po kami makabayad ng 2 months advance 1 month deposit kasi po wala kaming ipon.
Patulong naman po...ang solusyon lang po namin sa ngayon ng mister ko eh resign ho talaga ako. Di pa rin ho naman naguumpisa ang schoold year, sa Hunyo 2 pa naman so ang trinatrabaho namin ngayon Mayo sa eskwelahan eh mga paperworks lang gaya ng advance lesson plans.
Pag umalis ho ba talaga ako eh kelangan ho ba talaga akong magbayad ng 25k? wala naman po kaming traning sa summer na ito.
More power po sa inyo at sana po ay matulungan ninyo kami ng asawa ko.